Pansit Bato/Pritong Manok Late na ang dinner nabusog kasi sa meryenda kanina na pansit walang ibang gulay repolyo lang mas masarap sana kung may karots at beans tamad ng pumunta sa tindahan ng mga gulay may kalayuan kasi. Masarap parin naman ang luto ko :) Hanggang ngayon busog pa ako sa pansit na kinain late na kasi ang meryenda mag alas singko na ng hapon. Nagluto lang din ako ng pritong manok requested ng mga kiddos. Pinakuluan ko muna bago iprito para malambot makakain ang Lola. Basta chickenjoy happy mga batang makulit halos lahat ng bata paborito :) Sa susunod na Linggo na daw kami uuwi ng bahay ayaw pang umuwi ng dalawang anak ko wala pa naman daw pasok dito daw muna sila kay Lola at Lolo. Pinagbigyan nalang kasi kapag pasukan na hindi na makapunta dito. Maganda ang panahon ngayong araw hindi umulan kaya si bunso nagyaya na punta na daw kami sa Zoo kasi hindi na naulan haha. Mabuti hindi na nangulit sinabi kong sa Sunday na para tamang-tama magaling na ubo nila ng ate niya :) #Dinner
7 comments
Ibang pansit ata yan sis ah mukhang pancit canton din.sarap nang chicken mo sissy tama yan pakuluan ganyan din ako kahit sa pork pakuluan muna bago lutuin hayss ang weather namin sis pa bago bago minsan ulan din minsan mainit. Buti na enjoy nang kids mo jan sa lola nila sissy
Oo nga sis malalapad itong pansit bato nabili ni in-law at walang kabuhay-buhay ang pansit hindi makulay hehe pero masarap parin naman :) Nag enjoy naman sis hindi parin nakalimutan ni bunso ang mamasyal daw Kasi sa Zoo hoping bago umuwi next week makapamasyal :)
Ay matupad yan sissy alam ko hehe mga bata kasi gusto talag mag enjoy sa pamamasyal buti pa jan malapit kayo sa zoo dito samin malayo sissy
sarap nman ng food. prang may birthdayhan hehe
okay na rin yan, yung pancit...... ang sarap parin tignan kasi may ibat ibang klase ng sahog, may shrimp pa . yang noodles medyo malapad sya noh ?
Maputla Lang ang pansit walang kulay pero masarap parin naman :) Oo nga po malapad yung pasta niya maganda sana Yung pang spag Lang na pasta.
Mukang masarap nga eh kasi sa dami ng sahug.