read.cash Log in
@ruby0622

Bunso Hobby Isang mapagpalang gabi Noise fam! Naging abala ako ngayon araw laba dami day hinati ko lang ang labahin sobrang dami kukulangin ang hanger kapag nilabhan ko lahat kaya sa Lunes na ang iba :) Maulan pa kaninang umaga mabuti sa hapon maaraw na kaya medyo nakatuyo rin sampay nalang uli bukas. Natutuwa lang ako kay bunso hindi nya alam kinukuhaan ko siya ng litrato ayaw kasi niyan may magpicture sa kanya habang gumuguhit nadidistract yata siya hehe. Ito talaga ang libangan niya kapag hindi sila naggagadyet ng ate niya ang pagguhit. Ang ate niya naman niya pagbabasa o laruin ang mga barbie niya :) Si bunso paggising sa umaga kuha kaagad ng bond paper at magguhit siya hindi pa kasi ako nakabili ng drawing book. Maaga kasi siya nagigising minsan nauuna pa sa akin haha akala mo naman siya ang magluluto ng almusal :D kabaligtaran naman sa ate niya ang tagal gumising :) Mas nakakatuwa kapag ganyan ginagawa kaysa maggadyet. Sinasabihan ko nga si bunso na aralin na niya multiplication 1 hanggang 10 mag-grade 3 na kasi siya sa pasukan hanggang 6 pa lang alam niya sa multiplication table. Si ate niya kabisado na lahat kaya na-challenge din siya dapat marunong na daw din siya :) Maaga kasi ito nag-aral si bunso hindi kagaya sa ate niya sakto sa edad. Sa darating na Setyembre mag-walong taon na siya ang bilis ng panahon malaki bunso ko :) big girls na mga bebe ko. Praise God! Kumusta buong araw nyo noisemates? Stay safe kayo and God Bless!

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.