Pasalubong from Baguio Isang mapagpalang araw ng Sabado noise fam!katatapos lang namin kumain ng mga bata, nasa work si mister kaya kami lang mag-iina dito. Napagod kami sa lakad namin ng mga anak ko sinama ko sila dahil ibili ko sana sila ng sapatos na yung goma para pwede mabasa na maganda naman tingnan hindi mukhang mumurahin hehe. Pero wala kaming nabili nagpapagod lang kami kakalakad palipat-lipat ng tindahan. May inalok kasi sa akin na uniform nila kahapon isang daan isang set pero sira yung zipper ipapaayos ko nalang medyo maayos pa naman din. Ang mahal na rin ng bagong uniform isang set nasa 600pesos na rin yung size sa mga anak ko. Saka na bibili kapag may badyet patiyagaan muna ang lumang uniform o kaya wag muna mag uniform hindi naman required :) Panay reklamo ni bunso tired na daw siya bumili nalang akong ulam para kain nalang pag-uwi nagsaing na ako kaninang breakfast hanggang dinner na yun :) Tamang-tama pagkatapos namin kumain may naghatid ng biyaya. Galing Baguio ang kapitbahay namin, kaya ito daw pasalubong ko :) Nakakatuwa kasi naisip akong bigyan kahit nakailang punta na ako sa Tagaytay wala akong pasalubong sa kanya natapat din kasing walang badyet, nakakahiya tuloy tanggapin haha. Pero bawal tumanggi sa grasya kusa naman itong binigay bawi nalang ako sa kanya sa susunod. Ang bilis ng araw weekend na kaagad nakaisang linggo na mga estudyante may pasok. Stay safe ang lahat.
7 comments
Mabait ang kapitbahay nyo sis. Ang ibang kapitbahay, walang pakialam yan. Hehe.
Ang bait ng neighbor niyo, ka-noise! Bawi ka na lang sa ibang pagkakataon Good morning!
Kaya nga kanoise, bawi nalang ako sa susunod para makabawi naman :) Blessed Sunday!
masarap nga yan papakin sissy anyway i feel you sissy yong maghagilap nang dapat bilhin nakakapagod noh relate talaga ako jan kung hindi required sis okay lang yan mahal na kasi talaga uniform ngayon sissy
Masarap sis panghimagas :) kaya nga sissy grabe ang pagod naawa din ako sa mga anak ko itong maghananap ka kasi na makatipid o makamura na maganda din anman tingnan hindi mukhang mumurahin hehe. Hindi ko nalang muna pasuotion ng uniform sa pagpasok hindi naman required.
wow. i miss my baguio days. dmi ko rin pinamili dun pati walis tambo hahahah.. kya sa bus dmi ko bitbitin hahaha
Tamang tama panhimagas niyo sis ..