My Hometown Province Habang nagdedelate ako ng mga picture dahil puno na itong selpon nagbibidyo din kasi itong dalawang dalaginding ko kunwari nagbavlog silang dalawa hindi naman maayos ang pagkakuha ng bidyo kaya delete ko na ang iba :) Nakita ko itong larawan nila kasama ang tita at mga pinsan nilang makukulit din :) Ito yung bakasyon namin nakaraang pasko sa probinsya ko sa Surigao kinabukasan ng pagdating namin. Tapos kinabukasan ng araw nato dumating si bagyong odette ang dami talagang bahay na pinatumba o pinadapa sa probinsya namin dahil sa sobrang lakas. Mabuti nalang itong bahay namin medyo matibay, Praise God nakatayo parin. Ang lalago pa ng mga puno o halaman sa likod ng larawan pero pagkatapos ng bagyo halos natumba lahat ng puno sa paligid ng bahay namin mabait talaga si Lord kasi hindi sa bahay namin mismo natumba sa kabilang side. Sa pangatlong larawan nakuhaan ko pa ang pag uumpisa ng bagyong odette. Grabe ang bakasyon namin mahigit isang buwan din nagtiis walang kuryente dahil sa bagyo tiyaga ka talagang magpaypay lang sa mga chikiting kong nasanay sa electric fan. Pero masaya parin ang bakasyon namin mas gusto nga ng dalawang anak ko sa probinsya na kami manirahan. Pero ayaw lang talaga ng daddy nila, laking siyudad kasi hindi sanay sa probinsya :) #VacationMemories2021
3 comments
Hala ang cute nila jan sissy oh kanindot sa lugar ninyo sissy preskong preskp dahil madaming puno Hala katakot naman yon sissy nakita ko nga uon sa balita bagyong odette buti matibay bahay niyo sissy
Ang ganda nga ng lugar nyo sa province, presko at sariwa ang hangin. Malayo sa pollution na ibinubuga ng maraming sasakyan sa siyudad! Happy Tuesday morning, ka-noise!
Totoo yan kanoise presko talaga at sariwa talaaga ang hangin may kalayuan din kami sa highway. Namiss ko na nga province namin.