Home/Done Check-up Nakauwi na kami kaninang umaga dito sa bahay galing Tagaytay sa mga biyenan ko. Salamat sa Diyos nakarating ng ligtas at payapa. Naka-dalawang linggo rin ang bakasyon pero hindi man lang nakapasyal dahil nagkasakit naman si bunso doon kaya hindi na-enjoy ang bakasyon nila. Pagdating kaninang alas nuwebe ng umaga pumunta kaagad ako sa school nila dahil may brigada eskwela naghatid lang ako ng cleaning materials at nakiusap na ako sa titser uwi na kaagad kasi pacheck-up ko si bunso mabuti mabait yung adviser ng panganay ko :) Simula Sabado ng gabi pa kasi si bunso nilagnat ng pabalik-balik kaya kinabahan ako kasi marami rin siyang kagat ng lamok uso pa naman dengue. May HMO naman kami sayang din naman binabayaran monthly kung hindi gamitin kung kinakailangan lang naman talaga dahil ayoko rin pumunta palagi sa hospital lalo na sa panahon ngayon. Kaya ko pinacheck up ko para masigurado na okay lang si bunso. Ang sabi ng doktor nagkainfection daw lalamunan dahil sa ubo niya kaya niresitahan siya ng antibiotic at ambroxol para sa ubo niya. Grabe sobrang mahal ng antibiotic 900 hundred mahigit isang bote kapag branded, dalawang bote pa naman sabi ni doktor ipaubos. Hindi kaya ng bulsa kaya sa generic nalang pangmasa ang presyo parehas lang naman. Thankful to God dahil hindi dengue kahit may HMO libre na lahat bukod sa gamot ayaw ko parin magstay sa hospital. Kumusta kayo Noise fam?Stay safe and healthy kayong lahat. Blessed Wednesday!
5 comments
hayss nauuso talaga lagnat ngayon sissy kaya ingat tayu lalo na sa kids mahal pa naman talaga pag antibiotic mapapakamot ka nalang sa ulo mo sa sobranv mahal hehe sana magaling na si bunso mo sissy
Kaya nga sissy nagulat ako sa presyo Ng antibiotic ganun Pala kamahal nakalimutan ko na kasi matagal na huli nilang inom tatlong taon na yata nakalipas. Awa Ng Diyos sissy ok na si bunso hindi na nilagnat umpisa kahapon.
kaya nga ei nagmahal na talaga bilihin sis peru di kasi talaga maiwasan magkasakit mabuti at okay na si bunso mo pa bago bago din masi naman talaga ang weather kaya siguro sa panahon din
Oo sis basta talaga antibiotics at branded pa mahal talaga ano? Mabigat sa bulsa, pero laban lang para sa mahal natin sa buhay
Oo nga sis nagulat ako sa presyo matagal na kasi huling bili ko hindi ko na matandaan nakatatlong taon na yata huling inom nila Ng antibiotic.