Travel to Tagaytay Kararating lang namin dito sa Tagaytay naabutan pa kaming ulan mabuti parating na kami si bunso kasi ayaw parin isarado ang bintana ng sasakyan mabuti hindi ganun kalakas ang ulan masusuka daw talaga siya kapag nakasarado. Sa awa ng Diyos hindi si bunso sumuka pero ang ate hindi nakatiis kung kailan malapit na bumigay pa :) Medyo malakas na ang ulan ngayon dito kaya ang lamig ng weather. Habang naghihintay kami ng order sa mcdo picture muna ang dalawang chikiting ko :) Parehas itong dalawa gusto sa may bintana malapit nakaupo at kailangan bukas pa ang mga bintana kahit naka-aircon ang sasakyan :) no choice ang Lolo at Lola kundi pagbigyan mga apo :D Naging abala ako kahapon sa paglalaba hanggang ngayon hindi pa nakatuyo ng mga nilabhan tuwing hapon na kasi umuulan. Kaya nakasampay nalang sa loob ng bahay. Tapos ngayong araw nag-aayos ng mga cabinet ang gugulo ng mga damit tapos biglang dumating ang Lolo at Lola pinasama kami dito sa Tagaytay habang wala pa daw pasok mga bata. At gustong-gusto naman ng dalawa spoiled Kay Lola dito eh :D Kumusta kayo Noise fam? Mapagpalang araw sa ating lahat. Stay safe and God Bless! #SafeTravel #ThankYouLord
10 comments
Ganyan din ako nong bata ako sis nahihilo sa byahe lalo na yong amoy sa loob nang sasakyan kahit minsan ngayon sumusumpong talgang napakagenerous nang iyong byanan sis pinasyal pa kayo dito din sis di maka tuyo dahil pa bugso bugso ang ulan
May furniture shop mga biyenan ko dito sa Tagaytay sissy kaya nakakapunta hindi ko pa alam Kung makapasyal sa pasyalan. Naiwan nga sa bahay mga sinampay sis hindi ko alam kailan pa kami makauwi sa bahay. Blessed morning sissy :)
Ang ganda sana dyan mamasyal sa tagaytay sis. Ang swerte nyo at may kamag-anak kayo dyan.. enjoy lang pagbabakasyon nyo dyan. Ingats
Nakakapunta lang kami dito sis dahil nandito ang Lolo at Lola, mga biyenan ko kapag sinusundo lang din kami hirap magcommute may mga bata :)
May kamag-anak din kami dyan sis sa tagaytay. Kaso ang layo naman kasi namin.
ang cute ng toy na hawak nia hehehe
same dito samin, halos every hapon umuulan pero gahapon lang nag start na himala di umulan. sana naman consistent na yung weather
Kaya nga paiba-iba ang weather sa umaga maaraw tapos sa hapon maulan naman. Stay safe kayo. Blessed morning po!
kaya madalas nag kakasakit mga tao eh dahil unstable yung weather eh
Sana all nakapag bakasyon na po. Ingat kayo sa lahat ng lakad nyo.