read.cash Log in
@ruby0622

Pasalubong ng Ate Kararating lang ng panganay ko sa labas sila kumain ng lunch kasama ang Lolo at Lola at mga hipag ko. Pumunta dito sa Tagaytay ang pamilya ng bilas ko galing Paranuaque dahil kaarawan nito. Dito din nakatira si bilas magkatabi sila ng shop sa mga biyenan ko. Hindi kami nakasama ni bunso dahil biglang nilagnat siya kagabi pero ngayon sinat nalang awa ng Diyos. Ngayong araw pa naman din pangako ng Lola na pupuntang Zoo dahil magaling na ang Lolo pero nagkasakit naman siya. Panay yaya kasi itong si bunso na mamasyal sa Zoo ngayon sana dahil maganda na ang panahon kaya lang may dinaramdam naman. Pagdating ng ate niya kagigising lang ni bunso at binigay kaagad ang pasalubong niya na gummies tuwang-tuwa naman si bunso :) Sabi ko kaunti lang kainin kasi may kaunting ubo pa rin sila. Basta makatikim lang :) Nagkuwento ang ate sarap daw ng lunch niya steak tapos leche flan ang dessert :) Kami naman ni bunso tinolang manok para makahigop siyang sabaw pumunta pa akong palengke dahil walang mobile palengke na dumaan..Hoping gumaling na si bunso hirap talaga magkasakit medyo puyat din ako kakabantay kagabi. Blessed weekend Noise fam! Stay safe and healthy ang lahat.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.