Fun Day ^_^ Pumunta kaming Ayala Mall Siren kanina bibili kasi si mister ng pantalon dahil nagpapalit na mga pantalon niya pangpasok sa trabaho :) Pagkatapos bumili ng pantalon nagyaya kaagad mga kiddos punta daw sa palaruan. Bago naglaro nagpicture muna sa photo booth para may souvenir sila nilagyan pa ni bunso ng mga design hindi naman maayos ang kuha niya mabuti ang ate niya nakangiti game na game talaga ang ate basta picture taking hindi kagaya kay bunso :) Natapos maprint ang picture nila sa photo booth naglaro na sobrang enjoy sila sa air hockey sa sobrang saya sa paglalaro umiyak na ang ate dahil natalo ni bunso madaya daw kasi ang bunso :) Mabilis kasi magtampo ang ate may pinagmanahan haha kahit laro lang masyadong competitive. Kaya tumigil na sila at lumipat sa bowling dito rin sila tumagal sa paglalaro mas nagustuhan nila. Pagkatapos magsawa sa kakalaro nagyaya kakain na daw sila. At nung tinanong saan kakain sabay sabi sa jobee :) Dito na kami naghapunan burger steak lang solve na ang dinner ko. Sa dalawang makulit parehas kami ng meal may burger at fries lang Kay bunso. At si ate niya may spaghetti paborito niya at fries din. Si mister diet daw burger lang sa kanya :D Pag uwi namin maulan na kanina pag-alis namin makulimlim lang. Mag-iingat po ang lahat na nasa biyahe dapat magdala palagi ng payong tag-ulan na talaga ngayon. Mapagpalang gabi Noise fam!
6 comments
wow enjoy na enjoy mga kiddoes
Makita lang na nag eenjoy ang kids, enjoy nadin tayo as parents.. Hehe dba pero sana all may car hehe
Totoo yan happy lang mga kids natin masaya na rin tayo :) Nakikisakay lang kami sa mga biyenan ko ang sasakyan haha.
Hahaha oo syempre. Ako nga oag may binibiling foods. Minsan di na ako natitirhan kahit ako yubg bumili. Makita ko lang na nag eenjoy mga kids. Its fine with me. Happy na ako dyan
Ganun na talaga kapag magulang na tayo mas inuuna natin mga anak kaysa sarili natin :)
syempre :) blessed those mother na ganyan ang mindset pero I know majority ganyan pero may mga pabaya din talgang mga magulang eh.