read.cash Log in
@ruby0622

Jobee Dinner/Meryenda Napakagenerous talaga ang mga biyenan ko sa kanilang mga apo kaya damay kami lagi sa pagkain kapag bumibili sila para sa mga bata :) May deniliver silang items ng furniture shop nila at madadaanan dito sa bahay kaya pinasundo nalang sa gate ng subd. ang meryenda ng mga apo :) Nagmamadali kasi sila uuwi pang Tagaytay pagkaabot ng snacks at dinner ng mga bata umalis na kaagad. Isang maulan na araw ngayon kaya ang sarap lang kumain at matulog :D Pagkatapos ng church service kanina pauwi na kami biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabuti nalang may dala akong payong palagi kaya nakauwi parin hindi na-stranded :) Hanggang ngayon tuloy-tuloy parin ang ulan pero mahina nalang. Mag-iingat ang lahat lalo na ang mga nagbabyahe. Have a great and blessed weekend Noise fam! God Bless.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.