SO BEFORE WE START I WOULD LOVE TO SAY THANK YOU SO MUCH FOR SUPPORTING ME AND READING ALL OF MY NONSENSE ARTICLES. HAPPY 5K VIEWS!
Namimiss niyo na ba ang pasukan? Ang face to face kung saan may iba saatin na nagkakagusto sa kaklase natin, syempre di mawawala yung mga couples mong kaklase na kapag tapos na ang school year ay hiwalay narin.
Sa mga babanggitin ko sa artikulong ito, saan kayo nabibilang?
Masyado akong inaantok di kaya ng utak ko mag english kaya tagalog muna tayo.
The Pacool Kids/Feeling Pogi Edition
Eto yung mga studyante na hindi mo malaman kung magaaral pa ba o magpapacool nalang. Kadalasan sakanila ang jeje ng pormahan at tingin nila sa sarili nila ay cool. Madalas nakataas ang buhok at akala ko bagay, may panyong dala, may sumbrero at may salamin.
The Tahimik One
Sino bang nawalan ng ganitong kakalase? Sila yung mga estudyante na hindi mo maririnig na nagsasalita. Yung madalas nasagilid lang at nakikinig sa usapan ng iba. Yung kulang nalang maging multo na siya dahil halos di rin napapansin sa pagiging tahimik. Bakit kasi ayaw mo magsalita girl, masamang matuyuan ng laway.
The Pabebe
May mga kaklase talaga tayo na pacute, yung tipong akala mo cute talaga. Laging nakapout, tapos madalas mo marinig ay "kasi naman ii,", "Akin nalang pweasseeee" habang nakaduck mouth. Madalas sa mga to ay maririnigan mo ng "Enebeeeee weg genyen", yung kapag di mo pinayagan, ilalagay yung dalawang kamay sa gilid at magmamaktol na parang bata. Nakakamiss Rin pala magkakalse ng ganito.
Food Is Life
So dito ako nabibilang, eto yung mga studyante na kahit may pasok, kahit kakatapos lamg ng recess, at kahit nakakain na eh gutom pa rin. Yung kahit "No Food Allowed" sa loob ng classroom eh nagagawan ng paraan yung mga pagkaing ipinapasok at isinusubo. Brainy hah.
The Focus On Study
Syempre saan pa ba tayo di nagkaroon ng kaklase na top 1 sa lahat? Yung tipong kayo ng kaklase mo ay walang pakielam sa mga nangyayare pero siya naman lahat gusto makakomptensya.
The Mahilig Magpatawa
Nakakamiss yung mga ganitong kaklse natin, yung papasok tayo ng may problema, papasok tayo ng may sama sa loob pero nawawala yun ng kusa dahil sakanila. Yung mapapatawa at mapapangiti ka talaga, yung kahit may guro sa harapan ay nagagawa pa rin nilang mapatawa. Yung kahit sobrang istrikto nung nakaassign sainyo ay mapapangiti nalang rin ng kusa.
The VIP classmate
So naexperience ko magkaroon ng ganitong kaklase, yung kailangan mo pa siya hintayin sa lahat. Yung tipong pag may collection na nagaganap ay gustong siya yung unahin. Yung gusto na lagi nila yung nauuna, at kung makautos akala mo naman katulong yung kaklase ng inuutusan.
The Book Addicts
May mga kaklase tayo na papasok tapos may dalawang libro, yung kahit may teacher basa ng basa. Karamihan sa book nila ay puro Wattpad Stories, Novels, O kahit ano pa man. Minsan kinoconfiscate kapag nahuhuli.
Computer Games addict
Eto yung mga expert talaga sa computer, yung kahit may guro paguusapan kung last game nila. Minsan sa computer shop narin sila pumapasok.
Puro Yabang
May mga kaklase tayo na halos lahat pinagyayabang, gagawa pa ng kwento para lang may masabi at maipagmalaki. Minsan galit na yung iba sakanila dahil kang sa pinapakita nila at pinagsasabi na puro walang katotohanan.
Da Tres Marias
Sa loob ng classroom di tayo mawawalan ng mga kaklase na halos puro tatlo sila sa grupo nila. Magkasama sa lahat, at kung sakali na makita mong may nakahiwalay, malamang pa sa malamang nagaway yan.
The Busy Officers
Oras-oras pinapatawag sa meeting, yung kahit kagagaling mo sa meeting may bagong meeting nanaman. Minsan tatamarin ka na talaga kasi sobrang bigat ng mga responsibilidad mo. Kadalasan sila yung tagaawat ng gulo sa unibersidad at sila yung nagaasikaso kapag may program.
Best Designers
Eto yung mga kaklase natin na halos sila nadedesign at nagaarrange ng room. Kadalasan rin ayaw nilang ginugulo sila kapag may ginagawa, kung mamalasin nga ilalock pa mismo yung pintuan ng kwarto para di ka makapasok.
The "Pahiram naman"
Kamusta lahat ng gamit natin na di na naibalik? Yung mga gamit natin na halos sakanila na nagpasko at nagbagong taon? Kadalasan dito ay mga ballpen natin.
AND LAST BUT NOT THE LEAST
The Yayaan Group
Sila yung mga kaklase natin na gusto ay makabonding tayong lahat. Mga di awkward kasama, at kadalasan pa nga ay mapapangiti ka nalang dahil alam mong di ka naiiba sakanila.
LATEST ARTICLES:
Plagiarism Checker:
Closing Thoughts,
Sobrang narealize ko na ang saya pala ng face to face class. Dito natin nararanasan lahat ng bagay nandi natin maranasan sa ibang tao at sa trabaho. Yung halos simula magpandemic ay sumasayaw nalang sa ating isipan dahil sobrang namimiss na talaga natin. Ikaw, saan ka sakanila?
08-22-21
OfficialGamboaLikeUs
HAHAHAHAHA thank you sa pag share mo nang ganyan hahaha Btw ako top1 sakin yung “Addict sa computer”😂 kase ganun ako HAHAHAHAA LT NAKAKAMISSSSS WOAH WOAH