Ang kwentong ito ay gawa-gawa lamang at hindi hango sa totoong kwento ng buhay, ang mga pangalan ng tauhan, pangyayare at ng lugar ay kathang-isip lamang. Wala sa alinmanto ang tumatayo sa totoong kwento pangyayare sa buhay.
A/N: Nainspired lang ako sa ganitong kwento hango sa mga naoobserbahan at napapanood ko. May iilang eksena dito na halos karugtong sa totoong buhay para mas damang-dama.
Title: Ikaw Pa Rin
Genre: Romance, Drama.
Chapter 1: "Ikaw Pa Rin" (Tagalog Fictional Story)
Chapter 2: "Ikaw Pa Rin" Chapter 2
Chapter 3: "Ikaw Pa Rin" Chapter 3
Chapter 4: Ikaw Pa Rin (Chapter 4)
"Oo Sofia, magiisang building lang kami ni Richelle, wala namang problema sakin pero kada nakikita ko siya di ko maiwasang maalala yung nangyare noon", sambit ko sa kausap ko sa telepono. Andito ako ngayon sa balkonahe, ikinuwentoko kay Sofia yung nakakalokang naganap kahapon, nagulat naman ito kasi alam ni Sofia kung anong nangyare years ago before ako umuwi ng probinsya.
"Mommy, kelan ka uwi?", bigla kong narinig ang isang boses ng bata sa telepono.
"Baby, miss mo na ba ako?"
"Opo, mommy uwi ka na miss na kita. Hirap ako mommy", napatakip nalang ako ng bibig sa sinabi niya, may brain cancer ang anak ko. Sa edad na limang taon ay nakikipaglaban ito sa sakit niya. Kaya ako lumuwas kasi nakatanggap ako ng magandang invitation na akala ko ay sa ibang tao. Nagulat nalang ako, bakit kay Wilfred pa.
"Baby? Laban lang hah Mahal na mahal kita." pigil na luhang sambit ko dito.
'Kailangan ko kumayod, baby. Gusto kong gumaling ka.
Matapos ang ilang sandali na paguusap ay nagaalam na ito na magpapahinga na daw kaya nagpaalam narin ako. Masarap sumuko, pero kailangang lumaban, para sa anak ko gagawin ko lahat. naisipan ko nang bumalik sa sala para makakain na rin, nagugustom na ako.
"Ay kabayong lumipad sa langit", napahawak ako bigla sa dibdib ko ng makita k si Wilfred sa pintuan ng balkonaheng nakapamulsa at tila kanina pa nakikinig sa usapan.
"Kanina ka pa?", tanong ko. Medyo kinakabahan ako, gusto ko malaman niyang may anak kami pero natatakot ako na baka di siya maniwala. "Sino yung tinatawag mo ng baby? May lalake ka na pala? Ngayon sabihin mo, anong ginawa mo para maakit siya?", sabi nito na may pagkasarcastic ang tuno.
Bigla-bigla nalang bumigat loob ko, gusto kong magalit, pero di pwede kailangan maging kalmado parin ako. Hindi ko ito sinagot at tinitigan lang ito,gusto ko sabihin lahat, pero baka hindi iya makinig.
"Iba talaga pag malandi." Parang ay biglang napintig ang tenga ko sa sinabi niya, ako? Malandi?.
"Wilfred, nakuha mo ako ng malinis, wag na wag mo ako saabihang ganiyan." Giit ko dito, tumawa ito ng marahan saka lumapit saakin at inilapit ang mukha niya sa mukha ko, hinawakan nito ang pisnge at at tiningnan ako ng mata sa mata. Nakadama ako bigla ng kuryente sa katawan dahil sa ginawa niya.
Hindi ito nagsalita, hinalikan lang ako nito ng marahan. Napapikit nalang ako bigla ng may maramdaman aong sensanyo, gusto ko siyang pigilan pero nagkukusa ang katawan ko.
'Victorina, wag. Sobrang mali.
Nang makaipon ako ng lakas ay itinulak ko ito. Parehokaming habol hiningam di ko alam pero bigla nalang ako umiyak sa harap niya. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, di ko alam kung kaya ko paba yung nararamdaman ko.
Tinatanong ako nito kung ayos lang daw ako pero dik osiya sinagot, tumakbo nalang ako papuntang silid. Ayaw kong ipakitayung emosyon ko.
Nang madama kong medyo maayos na ako ay pumunta na ako ng sala, kinuha ang isang Alfonso at nagsolo. 'Kahit ngayon lang gusto ko makalimot sa lahat.
"Victorina tama nayan", saway ni Wilfred dito at kinuha ang bote na iniinom ni Victorina. "Sino ka ba para pigilan ako hah?", lasing na tanong ni Victorina kay Wilfred.
Bigla ay nakadama ng awa si Wilfred, umupo si Wilfred sa tabi nito at kinuha ang itatagay sana ni Victorina. Hindi na nagalburuto pa si Victorina at hinayaan nalang si Wilfred sa ginagawa niya. Maya-maya pa ay inihatid ni Wilfred si Victorina sa kaniyang kwarto para makapagpahinga.
Nang naihiga niya ito ay umpo ito sa gilid ng kama at tinitigan siya, napadilat naman ng mata si Victorina at napatingin ito kay Wilfred, napansin ni Wilfred na may luhang tumulo sa mata nito kaya pinunasan niya.
"Kamukhang-kamukha mo yung anak mo." biglang sambit ni Victorina nito, may kung anong pagkabigla na naramdaman si Wilfred ng sinabi iyon ni Victorina. Umupo si Victorina at pinantayan ang pwesto ni Wilfred, hinawakan niya lamang ito sa mukha at tinitigan.
"Kuhang-kuha ka ng anak ko", sambit nito at umiyak. Hindi agad nakarecover si Wilfred sa narinig, agad na nabuo ang napakaraming katanungan sa isip niya.
'Anong anak ang tinutukoy ni Victorina?
(A/N: malalaman na ba ni Wilfred ang tungkol sa anak nila?. Anong tingin niyo?)
OKAAYYY SO PATI AKO NAIYAK SA PINAGGAGAWA KO HAHAHAHA.
Kayo? Mga kailan niyo gusto? Char, next chapter will be on July 23, 2021. Stay Tuned!.
Thankyou po sa upvote @Eunoia , @Angel_183 , @dziefem , @Winx1988 , @ARTicLEE , @Ja_ne, @kingofreview, and @Loveleng18 . Super appreciated guys. Maraming salamat.
Also thankyou @Winx1988 , @Janz , @Loveleng18, @Sirpogs , @JRamona20 , @renren16 , @ja_ne, @Yzza0625 , @Marinov , @ARTicLEE, @Jane, @Angel_183 , @Leymar012201 , @Caroline17 . Super natutwa ako makita pangalan niyo sa comment section.
Note: Gusto ko magpasalamat sainyo sa magchecheer ng mood ko, super thankyou dahil sinamahan niyo ako nung isang araw. Gumaan ng sobra yung loob ko dahil dun. Salamat talaga.
Welcome rin @OfficialDesepedaLikeUs , ginaya mo talaga nn ko hanep ka HAHAHAHA.
LATEST ARTICLES:
thankyou for reading!
Date: 7-18-21
Originally By: OfficialGamboaLikeUs
Nakakapanabik ang Next chapter Sis 😊 ang ganda ng kwento pero grabe yung lalaki makapag sabi ng Malandi hindi nalang muna dinaan sa mahinahon na pag uusap nasabi sana nung baba na anak nila yon 😔