Ang kwentong ito ay gawa-gawa lamang at hindi hango sa totoong kwento ng buhay, ang mga pangalan ng tauhan, pangyayare at ng lugar ay kathang-isip lamang. Wala sa alinmanto ang tumatayo sa totoong kwento pangyayare sa buhay.
A/N: Nainspired lang ako sa ganitong kwento hango sa mga naoobserbahan at napapanood ko. Iyak well!
Title: Ikaw Pa Rin
Genre: Romance, Drama.
Chapter 1: "Ikaw Pa Rin" (Tagalog Fictional Story)
Chapter 2: "Ikaw Pa Rin" Chapter 2
Nang matapos angtrabaho ko ay dumeretso na ako ng bahay, hanggang ngayon ay palaisipan parin saakin kung bakit andito siya, kung siya yung boss ko edi dapat may sariling bahay siya diba? Pero anong ginagawa niya sa harap ko?
"Baby naman, di kana dapat nag-abala pa", biglang napakunot ang noo ko nung may marinig akong boses ng babae sa sala. Teka, sino yun?
"Alam mo namang mahal kita", sagot ng boses lalake na tila kilala ko na kung sino. Napairap nalang ako ng marinig yung usapan ng dalawa, 'so balak niyo maglabing-labing habang andito ako?
Nang makadama ako ng gutom ay bumaba ako para sana kumuha ng pagkain ng nakita ko silang naghahalikan, so tutuloy pa ba ako o wag na?
Isinawalang bahala ko nalang sila ay tinuloy yung pagbaba ko, eh sa nagugutom ako alangan mang magpagutom ako dahil sakanila? Swerte naman kung oo.
"Baby may tao," Rinig kong sabi ng babae,
'syempre girl, di naman ako multo.
"Hayaan mo yan baby, katulong lang yan", biglang sagot ni Wilfred dito, bigla akong napatingin at gulat na gulat. Napakaganda kong katulong,grabe.
"Ay baby, ayos. Paluto ka nagugutom na ako", pabebeng sabi nito. Nag-iinit ang ulo ko, pero di naman ako nakareact agad. "Hoy, narinig mo naman diba?", sambit nito, halos napanganga lang ako at walang lumalabas na boses sa ibibig ko, g*g* ka ba? Ako? Ginawa mong katulong?!.
Wala akong nagawa, di ko nagawang magreklamo. Kusang kumilos yung katawan ko papunta sa kusina na animo'y di nakaramdam ng gutom.
'Victorina naman, papaalipin kaba?
Iritable akong nagsalang ng kawali upang magluto, lumilitaw isip ko ngayon. Parang ang bigat sa pakiramdam ng mga nangyayare, di ko maintindihan.
"Baby grabe ka naman sa katulong mo", rinig kong sabi ng babae dito. Mukhang walang idea to kng ano kami ni Wilfred noon.
"Baby okay lang yan, ako naman nagpapasahod eh." Sagot nito, bigla akong napapikit sa sinabi niya, so pati sa bahay katulong mo na ako? Secretaryna katulong pa?
"Oo nga baby, kadiri sila kasi mga hampas lupa." Sagot naman ulit ng babae dito na naging dahilan para mapintig ang tenga ko.
'Sarap mo lasunin girl .
Sa sobrang inis ko ay nakalampag ko ang kawali ng di sinasadya at lumikha ng sobrang lakas na ingay na parang nagdadabog. "Ay tinamaan ata", mahinang tugon nito.
Ayaw ko sa gulo kaya pinapakalma ko nalang yung sarili ko pero yung totoo gigil na gigil na ako. Makasalita ng hampas lupa, mas mukha naman syang hampas lupa sakin.
Iwinaglit ko sa isip ko yung sinabi niya at kumain na, after ko kumain ay aakyat na dapat ako at bigla akong tinawag nito. Para tarayan, oo para lang tarayan.
"Hoy, ikaw lumugar ka kasi katulong kalang dito." Sambit nito saakin na nakataas pa ang kilay Di ko to pinansin at tinalikuran pero parang kulang-kulang ata isip nito. Aba'y bigla ba naman hinablot kamay ko sabay lagay sa ulo niya at nagsisisigaw.
"Ano ba? Tumigil ka nga!." Sigaw ko dito na dahilan para matulak ko siya ng malakas.
Natumba naman ito at saktong paglabas rin ni Wilfred sa kwarto niya, napatingin ito saakin na nanlalaki ang mata at agad na nilapitan yung babaeng kasama niya.
"Alam mo ba ginagawa mo, Victorina?!" Galit na giit nito. "Oo alam ko!, Bakit tingin mo ako gumawa?!" Sigaw ko pabalik dito.
"Eh sino paba gagawa? Multo?!", galit na sigaw nito. Bigla namang uiyak yung babae saka niyakap siya. Bigla nalang ako nakadama ng bigat, naalala ko noon ganito rin ung nangyare. Halos di niya pinaniwalaan pageexplain ko.
Di ako makaimik, alam ko pagnagsalita ako ay maiiyak ako. Sobrang bigat sa pakiramdam na parang di niya ako magawang pakinggan. Gusto ko lang naman sabihin yung side ko, pero ang hirap.
"Di ka nagbago." Huling salitang binitawan niya bago sila pumasok sa silid. Naiwan nalang ako sa harap ng hagdan kasabayng pagtulo ng luha.
'Mali ka Wilfred, di mo alam yung naramdaman at pinagdaanan ko nung dinadala ko yung munting anghel natin. Halos parang bulong sa hangin sa lahat, sa hangin ako kumakausap at ikaw yung hangin na di ko alam kung naririnig mo ba ako...
Itutuloy.....
Here's chapter 3! Sorry medyo natagalan. Inisip ko pa kung ano magandang ilagay, mas prefer ko kasi yung masakit sa dibdib AHAHAHAH.
Latest Article:
Thank you so much @carisdaneym2 , @wrabbiter , @ExpertWritter , @Dm, @Janz , @Caroline17 , @Winx1988 , @Jane for upvoting my last article. May god bless you all :).
Also special thanks to @gerl , @ExpertWritter , @carisdaneym2 , @Zhyne06 , @Marinov , @Caroline17 , @Janz , @Loveleng18 , @bheng620 , @Dm, @JRamona20 , and @Winx1988 for keeping me entertain at the comment section. I love you all! Godbless!.
@Loveleng18 5 days nalang :)
Date Published: 7-9-21
Originally By: OfficialGamboaLikeUs
Thank u po sa pgmention po ulit d2 sa akin, mzta na po kau? Nkakita po ba kau jn sa inyo ng sambong o paragis po?