This article was inspired by @Loveleng18 which is titled "Do you remember?:Games i played during my childhood days". And also inspired by @Dm.
Iilan to sa mga laro na at laruan na lagi naming nilalaro nung bata pa ako, halos minsanan ko nalang rin makita na may naglalaro nito ngayon. Halos lagi kong nakikita na palaging may gumagamit ng mga to, kahit sa kalsada man yan magtutumpok-tumpok sila.
Lego.
Legit na legit yung paghahanap mo ng kulang nito kapag nawawala, yung tipong pati pinakasulok ng bahay niyo eh hahalungkatin mo makita lang. Yung mapapatanong ka kung itinapon ba ng nanay mo o sadyang namisplace lang habang nilalaro. Meron pang lego na parang iba dito diba? Di ko maalala taag pero muhang pixel sya.
Elise
Actually di ko alam tamang spelling nito pero madalas to noon laruin eh tas biglang sasabit sa bubong kapag napalakas ikot mo, galit nanay ko noon kada laro ako ng laro nito saka bili ng bili. Puro daw ako gastos di niya alam na sa bubong lang talaga ng kapit bahay namin natipon lahat.
Plastik Balloon
Oh ano? Palakihan hah, palakihan. Char, AHAHAHAHA. Naalala ko pa to, yung maliit binebenta ng tagpiso tapos yung maaki binebenta ng taglimang piso. Bubutas-butasan tas dadagdagan yung hangin, tapos hahanapin yung maliliit na butas. nakakatuwa lang dito pag may hika ka mamamaalam ka talaga.
Sungka
Oh sinong magaling magsungka dito? HAHAHAHA Paunahan lang sakalam, sabay-sabay na tira. Paubusan? Ano? HAHAHAH
Trumpo.
Sino yung di marunong magpaikot dito? Damay-damay tayo ibabato ko nalang pumapalya pa. Seryoso, naiinis ako noon binabato ko nalang sa sulok to, kainis eh ayaw makisama HAHAHAHA.
Tirador.
Naalala ko pa tong tirador nato, HAHAHAAH halos ginagamit namin noon sa ibon. Walang k0nsensya eh, mahilig kami noon magbantay ng ibon tapos titiradurin pero wala namang natatamaan. Tapos yung lata na aasintuhin mo ng baa nito, dapat matamaan. Naalala ko rin madalas nila to gamitin pangpilay sa manok.
Color Stick
Actually di ko alam tawag dito HAHAAH pro noon pag naglalaro kami nito yung kalaro ko nanunusok pa eh kasi laging gumagalaw ung ibang bahagi ng kinukuha niya. Halos di kami nauubusan nito noon kaso tinatapon lang nila mader.
Play Phone
Aiyayayay, anong title ng kanta ulit? HAHAHAAH, sobrang uso nito sa mga bata noon, halos di pa uso humawak ng phone. Pagaraan panga ng design kung sino gaganda at mas lamang, naalala ko ung kalaro ko noon dito may nalalaman pa kaming "Tawagan mo ako hah" akala monaman nakakacontact.
Naalala ko rin, nung bata pa ako kahit alastres palang ng hapon at kahit mainit pa ay uso na maglaro sa labas. Pero syempre kailangang matulog muna bago maglaro sa labas, masyadong nakakatuwa isipin yung mga gawain nating lahat nun mga bata pa tayo.
Sa panahon ngayon halos wala na akong makita, halos karamihan nanonood nalang saka cellphone. Kapag umuulan, noon halos madami pa nagsisigawan sa saya saka maliligo sa ulan, o hihiga sa sahig na akala mo nasasnow. Ngayon naman kapag umulan karamihanayaw mabasa.
Yung papatulugin ka ng hapon, tapos wawarningan kapa kapag dika natulog. Yung magkukunwari kang tulog, not knowing nanakatulog kana pala talaga.
Nakakamiss yung panahon na safe kapang maglakad sa kalsada, gilid ng daan at sobrang nakakamiss yung mga panahon na halos kampante ka kasi alam mo sa sarili mo na walang mangyayareng kahit ano na masama. Halos safe pa lahat, halos mapuno pa ang lugar at sobrang nakakaproud minsan kasi halos naabutan mo kung gaano kaganda yung lugar naoon bago pamapuno ng mga gusali.
Sana, kung maibabalik man ang noon, kaligtasan nalang. Dahil ngayon sobrang hirap na talaga magtiwala kahit kakilala mo pa.
PS: Para sa mga naghihintay ng update ng "Ikaw Pa Rin", bukas po lalagyan ko kaagad ng kadugtong. Pasensya kung natagalan ng ilang araw, iniisip ko lang kung ano yung ilalagay ko.
Latest Article:
Thankyou @bheng620 , @Angel_183 , @mommykim , @Caroline17 , and @Leymar012201 for upvoting my last article!
Also special thanks to @Caroline17 , @Loveleng18 , @Winx1988 , @Leymar012201 , @JRamona20 and @mommykim for keeping me entertain to my last article!, Lovelots!, Godbless to all of you.
Also advance happy birthday to @Loveleng18 , HAAHAHAHAHA 6 days nalang.
Langga sorry at late na nababasa ni Ate mga article mo dami kasi ginagawa outside read cash eh ...labyu ingat palagi langga!