So last day is chinallenge ako ni @Marinov gawin to and sige, challenge accepted at natutuwa ako sa nababasa ko about dito. Kaninang umaga pa dapat to kaso inaatake nanaman ako ng anxiety so ngayon ko nalang gagawin.
ps: Diko makita yung Rather blabla huhu.
Good This or That Questions
► Cookies or cake?
Hallooo so pwede both? Pero I choose cake, I like to eat cake, especially the icing. Sometimes I even crush it and mix it with his icing to make it feel good. Masarap naman, super bet ko.
► Cat or dog?
Pareho, mahilig ako sa pets. And also nag rerescue rin ako kapag may nakikita ako sa kalsada, yung oba sa ipon ko dito ay sa pagkain nila napupunta and sa mga upvotes.
► Computer games or video games?
Lumaki akong gamer so I choose video games. Mahilig ako sa mga video games and super gusto ko silang laruin all the time lalo na kapag stress ako.
► Pop music or Rock music?
Kahit saang genre ng music hilig ko. Wala akong pinipili as long na magugustuhan ko, yung daddy ko kasi mahilig magpatugtog kaya parang naadopt ko rin yun.
► Stuff animals or dolls?
takot ako sa dolls hehehe. Madalas ko putulan ng ulo yung dolls ko kasi feeling ko nakatingin sila saakin. 'Anabelle lang self?
► Pancakes or waffles?
Pancakes!, before ako operahan pinapak ko yung maple syrup inubo tuloy ako ng inubo. Grabeng struggle yun nung after ko operahan halos maiyak ako kada ubo.
► Hot chocolate or coffee?
Hot chocolates, bawal ako sa kape. Maarte sikmura ko ewan ko ba, minsan gustong-gusto ko uminom ng kape kaso jusko sobrang nananakit simura ko anytime na nagkakape ako.
► Morning or evening?
So di ko alam bakit ganito yung choices dito pero evening, mas maganda kasi nakakchill lalo na kapag mainit ulo mo.
► Library or museums?
Tambay ako sa library so I'll choose library.
► French or Spanish?
Mexican dad ko and nung bata pa ako is spanich language yung ginagamit ko lalo na pag kausap ko lola ko so wala. Sobrang nakakadugo ng ilong teh.
► Theatre or cinema?
HAHAHAHAH theatre nalang. so story time, one time wayback 2018 nanunod kami sa sinehan ng around dec tapos horror yun. So sa top kami at sa baba namin may magjowa, so eto nanga, habang nasa nakakatakot na part syempre iba mapapasigaw at tili ka? Teh ibang sigaw narinig namin sa magjowa :)
► Rain or snow?
Rain, it's a tender rain~ char HAHAHAHA.
► Comedy or horror?
HORROR! Puro horror laman ng laptop ko, mahilig ako sa mha creepy movies...di naman ako binabangungot eh HAHAHAHA.
► Puzzles or board games?
Puzzle, mas nasisiyahan ako lalo na kapag madami yung aayusin eh HAHAAHH noon bumili ako ng malaking puzzle tas nung nabuo na nalaglag bigla edi dikona binuo.
► Weird or crazy?
weird, kasi isa rin ako sa ganyan lalo na sa food combination hhehehe. Natry nyo naba chicken nasinawsaw sa sundae? Masarap yun promise.
Ang dami kong gustong sagutan pero sobrang pagod ng pakiramdam ko ngayon, gusto ko mang mag pahinga di ko lang magawa dahil andami ring gawain, nakakagulo ng utak pero okay lang.
Story Time
Okay, so I'm suffering from severe depression for almost 3 years.for those na may same depression as mine kaya natin to diba? Di tayo magpapadaig dito. Nagstart siya, way back 2018. Tawagin natin siyang, Major Depressive Disorder, actually lumala siya lalo na nung pumapasok na ako sa school. I think grade 11 ata ako or Grade 12? Andyan ako sa point na I want to give up everything, hindi na ako masaya sa buhay ko and puro suicidal thoughts nalang nasaisip ko.
I don't have any problem naman that time sa paligidko, pero family? Yes, siguro naapektuhan dahi sa mga nangyayare sa bahay. Like bigla nalang ako nenerbyosin kapa nakakrinig ng sigaw, and also makaadama ng takot kahit kausapin lang ako. Siguro cause narin siya ng trauma about sa child abuse when I was in kinder or grade 1.
Mas lumala pa siya, oo mas lumala pa. Dumating ako sa point na sinasaktan ko na sarili ko and dumating ako sa point na dahil sa problemang dumaraan is tinutukan ko ng kutsilyo ayung sarili ko, and yes until now bakat parin yung sugat. Nakalampas ako, ero may regalong iniwan yung nakaraan na kahit kailan ay di ko malilimutan.
Mahirap siya kontrolin, sobra. Kaya nung oras na yun ay dinaan ko sa pagsusulat. Ngayon, etong paggawa ng article ang nagsisilbi kong sandigan para maging maayos sa nararamdaman atmailabas lahat.
Madalas na sabihin ng iba ay ang OA mo, ang arte mo, or whatsoever payan pero mali. No one in this world deserves to feel this kind of depression or anxiety, why? Because depression and anxiety are really hard to control. Yep, hindi mo pwede sabihin na manood lang ng comedy or whatsoever na magpakabusy kasi hindi siya ganyan kabilis iwasan. Ako, everytime na nararanasan ko to ay umiinom ako ng pampakalma which is yung sleeping pills para makatulog ako.
So sana, if may tao mang ginagawang biro ang depression jusko wag ganon.
Thank you sa pagtag sakin @Marinov , umayos-ayos mood ko dahil dito AHHAHA.
By the way, thank you pala @dziefem , @jane, @bheng620 , @Ruffa , @Winx1988 , @ExpertWritter , @Eunoia , @ZehraSky, @Mictorrani , and dun sa last na di ko makita kung sino. Pasensya hehe.
Thankyou rin @Ruffa , @Yzza0625 , @Sirpogs , @Winx1988 , @JRamona20 , @bheng620 , @mommykim , @renren16 , @jane, @tine07 , @kelleymac87 , @dziefem , @Eunoia , @Ja_ne, @ExpertWritter sa pageentertain po sakin sa comment ection, natutuwa akomakita pangalan niyo :) . God bless and nice to meet you all!.
ps: Pasensya kung naiistorbo kayo sa tag ko, eto lang yung way na alamko para magpasalamathehehehe.
Latest Article
Date: 7-16-21
Originally By: OfficialGamboaLikeUs
Stay strong, miss because I know you are. 😊