read.cash Log in

@OfficialDesepedaLikeUs

Joined 17 July 2021 · 5 posts

A happy Writer :>

120 KT

0 KT · $1.22 received · 0 KT · $1.00 given

Posts

@OfficialDesepedaLikeUs

Hello Guys baka di nako mag online sa account nato dahil na spam sa aking pagkakamali AHHAH kaya gumawa ulit ako ng account, @OfficialKierLikeUs. Yan yung new account ko if gusto nyoko hanapin

@OfficialDesepedaLikeUs

The Kid Who Wants to Conquer the Universe Using his Mind. Simula pa noong bata pa ako mahilig lamang talaga ako maglaro ng mga walang kabuluhan na bagay, just like other normal kids na walang kamuwang muwang pa dito sa mundo. Hindi ko alam if matalino ba talaga akong bata or hindi ko pa lang talaga nadidiscover ang mga bagay na interesado ako. Ngunit bata pa lamang ako ay curious na ako sa mga bagay-bagay. Nagiging pala tanong ako at napaka kulit, hindi ko alam kung mabagal lang ba talaga ako umintindi or hindi lang talaga ako napayag na may mga bagay na hindi ko naiintindihan tapos ay basta-basta ko na lamang hahayaan. Hindi talaga ako nasuko kahit ano pa ang pumigil sakin, lahat isinasantabi ko basta makapag isip lamang at maresolba ang problema. Sa pag tapak ko ng Grade 6 ay marami akong nakasalamuha na mga bata. Mura parin ang isipan ko sa panahon na iyon at dahil nga marami akong nakikilalang mga iba't ibang uri ng mga bata, nakilala ko sina Ralph at Arra. I think sila yung tipo ng student na mahilig mag-aral. Nagkaroon kami ng pagkakataon na makapag usap sa isa't isa , ang topic namin ay syempre about sa science. Ang science na libro na aming binabasa ay about sa nervous system, wala pa akong maintindihan sa mga panahong iyon pero willing ako na makinig sa kanila at nagiging interesado namam ako sa pinaguusapan namin dahil ang sarap sumakit ng utak AHHAHAHA (Yep I know Im Weird). I mean ang sarap kaya maramdaman yung process ng Learning. Ang moment na ito ay hindi ang nag trigger para maging interesado ako sa larangan ng siyensya. Sa pagdating ko ng Highschool nakilala ko si Einstein. At first, his impression to me is just a boring old man. Naka kapit lang naman sa pader ng room namin ang kanyang litrato na may kasamang quote na **" Try not to Become a Man of Success but rather Become a Man of Value"** . Noong nabasa ko ito ay narealize ko na tama sya, kaya sinet ko agad talaga ang mga goals ko na maging great person at dumiskubre ng mga bagay-bagay na babago at tutulong sa mundo gamit nga ang kaalaman sa Siyensya at Matematika. Maraming taon akong nag sikap upang aralin ang basics, foundations at language ng science and math. Hindi ako nahihiyang mag tanong kahit na magmukhang mang-mang ako para sa kanila, basta ako HAHAHA GOAL ,FOCUSS., SUCCESS.. ( RENDON REFERENCE XD) . Ganito ang naging hobbies ko para beneficial din sa pag iisip ko habang nalilibang ako. Bumibili ako or nagbabasa ng libro , nanood ng science random videos sa YT, nag follow ng mga science related na pages at channels. At hindi lamang iyon, pinapanood kodin ang mga documentary ng buhay ng mga Great Scientist at doon ko na nga nadiskubre na malaki ang pagkakatulad namin ni Einstein. From Personality and Hobbies to pano kami mag isip , talagang parehong-pareho kami ni Einstein. Sa totoo lang weird ako mag isip at lagi akong mag isa. And gusto ko din nga pala ang mga detective Stories sa Wattpad para naman maenhance ang aking pag iisip. At tsaka nga pala kasama din sa mga nabanggit ko ang pag nanakaw ko ng libro sa School AHAHAH , tama ang narinig nyo ninakaw ko yung Physics book. Paano ba naman kasi ,naawa ako dun sa mga libro dun kasi napupuno na ng alikabok at sira sira na kaya naman ayun bitbit ko hanggang paglabas HAHAHAH pero sabi ko naman ibabalik ko yon once na madiskubre kona yung mga mga tanong ko about Universe. Well pano kung hindi AHHHHA edi hindi ko maibabalik, Joke lang . Sure ako na maaachive ko yun, Yes I can. Hanggang ngayon mahal ko parin ang knowledge at tumuklas ng iba't ibang kaalaman, wala parin namang babago pero syempre may problema. Kasi minsan antaas ng ego ko at ang hirap lang kasi ng ganoon nagiging sarado na ang isip ko like feeling ko alam ko na lahat pero hindi naman, kaya ayun ang tendency tatamadin ako aralin yung bagay nayun. Pero okay lang I can manage naman at idisiplina sarili ko. It takes a lot of time nga lang para maifix at maiimprove ulit. **_**_**_**_**_**_**_**_**_* Hello Guys, Ngayon naipakilala ko na ng kaunti kung anong klaseng bata ako noon pero marami pa ,marami pa kayong dapat malaman about sakin. Basta subaybayan nyo lang ang aking talambuhay HAAHAH at unti unti ay makikilala nyo ako. I REALLLLYY LOVEE SCIENCEEEE AND MATHHHH... I LOVE THE KNOWLEDGGEE ... I DONT WANNA MARRY, I JUST WANT OT BE A SINGLE SO THAT MARAMI PAKONG ORAS NA TUMUKLAS HAHHAH CHAR.... I WANT FAMILY DIN NAMAN , IF HINDI KO MAN MAACOM-, AY WAIT LAKI NG LETTERS LIiitan ko lang . Ayan AHAHAH okay na so ayun if hindi ko man maaccomplish maaaring mga anak kona ang magpatuloy.. Thank You sa oras nyo.. just follow your dreams guys kahit matured na kayo, ito kasi ang magsisilbing pakpak para sa atin.

+2 more

@OfficialDesepedaLikeUs

Hello guys, abangan nyo mga susunod kona article. Siguro mag focus ako sa topic na about life, mga naiisip ko habang nagmumuni muni, science and math. Pag natapos ko din basahin yung rich dad poor dad at the little prince baka mag book review ako. Nagpplano din ako na gumawa ng story, about mystery, crime, "romance" im not sure kung isasali ko romance kasi pede pa magbago bitter kasi ako HAHAH, pero guys ito yung roadmap or plano ko sa mga darating pa na araw. :>

@OfficialDesepedaLikeUs

Itlog o Manok Ano nga ba talaga ang na una? Ito ba ay ang itlog? o ang manok?.. May ilan na nagsasabi na ang manok daw ang nauna at may ilan din na itlog ang sagot. Ikaw ba ano satingin mo ang nauna, itlog o manok? **ITLOG** Kung ang itlog ang nauna, ito ay maaaring imposible, bakit? Well, hindi kasi mapipisa ang itlog kung ito ay hindi malilimliman ng inahing manok. Kung wala ang limlim ng inahin, ang itlog ay maaring mabugok. Isa pa dito, kung ang itlog ang nauna sino at ano ang nangitlog? Kailangan ng parent upang mangitlog so kailangan talaga ng manok. Hindi naman pwedeng nanggaling na lamang ang itlog sa mga hayop na hindi nangingitlog.. **MANOK** Sa kabilang banda, ang manok naman ay maaaring imposible din na mauna, sapagkat hindi pwedeng manggaling ang manok sa hayop na nanganganak o hindi nangingitlog kung kaya't manok na agad ito. Kaya kailangan din talaga ng manok na dumaan sa pagiging itlog. So kung ang manok ay hindi pwedeng basta nalamang pumatak sa lupa at naging manok, dapat manggaling din sya sa pagiging itlog. Ito ay mga bagay na walang kabuluhan ngunit sumusubok sa ating curiosity and bumabagag sa ating isipan. Wag kayong mag alala dahil malalaman nyo din ang sagot sa bandang huli. Magandang maging pala tanong tayo sa ating sarili upang mapagana ang ating isipan. Kahit pa ito ay may sense or walang sense, basta naeenhance natin ang ating critical thinking skill, ito ay beneficial na. Ang lahat ng sagot ay tama, nakadepende lamang iyon kung ang lahat ng side ng opinyon ay ating iintindihin. Kung Quantum Physics nga may duality na tinatawag, sa buhay pa kaya natin mawalan? Nangyayari ang event na ito kahit saan pa man. We are talking about possibilities here and since we cannot go back time, there are a lot of theories out there pero d matibay ang evidence. Katulad ng sinabi ko kanina, ang sinusunod nito ang konsepto ng principle ng Quantum physics, kaya lahat ng ito ay posible. Ang lahat ng opinyon at teorya ay dapat lamang natin respetuhin. Dahil talagang nag eexist lamang ang mga bagay sa ating paligid if ito ay nakakonekta sa ating senses, so paano naman kung wala, well maari ang mga bagay na ito ay hindi na mag exist sapagkat sumasalungat ito presence ng determinsm. Halimbawa na nga lamang ay iyong eksperimento ni Erwin Schrodinger sa pusa. Ang pusa ay nakalagay sa box kasama ang isang bagay na mataas ang radioactivity. Base sa kanyang obserbasyon maaring patay na ang pusa at buhay pa. Sinabi ni Schrodinger na ang pusa ay 50% na patay at 50 % na buhay at the same time. Hindi natin ito malalaman dahil hindi natin ito nakikita, naririnig, nadadama at walang iniisip na kahit anong ebidensya upang makapag trigger para madetermine kung anong nangyayari sa loob. Ganoon na nga kaya't hindi natin madetermine kung ito ay patay na or buhay pa. Ganito din sa sitwasyon ng itlog or manok, hindi natin masabi kung itlog ba talaga or manok ang nauna sapagkat hindi natin mismo nakita na ang itlog o manok ang naunang nag appear. Hindi din tayo makabalik sa panahon at hindi din sapat ang ebidensya na nakalap. May ilan na nakumbinsi at may ilan din naman na hindi. Sa konseptong ito maicoconnect natin na parehas na ang manok at itlog ay ang nauna. Ito ay dahil ang manok at itlog ay maaring maging posible dahil sa ebolusyon. Basahin sa ibaba ang eksplanasyon kung paano nangyari na ang dalawa ang tamang sagot. Bakit dalawa? Kasi magkakaroon kasi lamang ng outcome o madedetermine kung ano ang tama if makita mismo ng ating mga mata ang ebolusyon. Nandito ang teorya na magpapatunay sa kung ano nga ba talaga ang nauna. Kung manok ba talaga or itlog.. **ITLOG** Posible na ang nauna ay itlog sapagkat maaring nangitlog ang kalapit na species ng manok at Nagkaroon ng evolution sa sumunod na henerasyon o offspring. Maaring ang parent ay hindi pa evolve at nakuha ng itlog ang bagong characteristic ng gene o trait para magresulta sa species ng mga manok. **MANOK** Posible din na ang manok ang nauna. Maaring unti-unti nag evolve ang kalapit species ng mga manok at habang patagal ng patagal, henerasyon sa henerasyon ay naging fully formed manok na talaga. Ano ang maaring dahilan ng ebolusyon na ito? Ito ay dahil pwedeng naadopt ng hayop ang environment o panibagong habitat nito kaya't habang patagal ng patagal ay nagbago ang features o structure ng pangangatawan nila. In terms of genes naman, maaring nakabuo ng panibagong trait ang dalawang parent kaya't nagkaroon ng panibagong offspring na may traits na hindi katulad ng sa parents. Sa huli lahat ng sagot ay tama, ito ay nakadepende lamang sa lawak ng ating imahinasyon at napapatunayan dahil sa pagpapaliwanag. Lahat tayo ay may kanya-kanyang teorya at opinyon. Ang gawin natin respetuhin nalang natin ang bawat isa, makinig sa side ng bawat isa at magkaroon ng konklusyon na hango sa dalawang panig. Ang lahat ng ito ay base lamang sa aking opinyon, konklusyon, pag aanalisa, at pag iimbestiga sa mga nakalap kong impormasyon. Ikaw ba, ano ang sagot mo, itlog o manok?.. Comment down below kung saan kang panig, at ipaliwanag kung bakit.

+3 more

@OfficialDesepedaLikeUs

"Ang pag Usbong ng Karibal ng Axie Infinity" Karamihan sa ating mga Pilipino ay na enganyo na o napamahal sa mga larong "NFT games". Ang mga Nft games katulad ng **Axie infinity** ay nangunguna na sa industriya ng investing at Gaming. Sa pag dami ng tumatangkilik dito, nadagdagan din ang total na bilang ng mga perang naiinvest dito. Habang patagal ng patagal at padami ng padami ang naglalaro, ang bawat item sa game at currency ay tumataas o lumalago. Ngunit hindi lahat ng NFT games ay may magandang potential sa hinaharap. Kinakailangan pa ng mabusising obserbasyon, pagaanalisa, kalkulasyon at prediksyon para masabing magiging successful ito. Ang Cryptocurrency ay volatile kaya hindi natin masasabi na may fix value ang isang currency. Maraming mga Pilipino na ang naghahangad na maging scholar at makahanap ng manager sa larong ito,Kung kaya ay mas nagiging mabilis ang paglago ng Community. Dahil sa paglago ng komunidad, nagkakaroon ng tinatawag nating hype na nagdudulot naman ng mabilis na pagtaas ng presyo ng currency. Para naman sa mga investor at scholar ng Axie, magandang balita para sa kanila ang pag angat ng rate ng slp ( currency ng larong Axie). Sa kabilang banda naman, nahihirapan ang iba na mag invest sapagkat kakailanganin nila ng malaking pera o puhunan upang makapag umpisa sa laro at makapag earn. Nagkaroon ng panibagong pag-asa ang mga Pilipinong kapos-palad upang makahabol nga sa nauusong play to earn games. Nailaunch na nga ang game na **" My Defi Pets**". Ito ay isang NFT game na kagaya din ng Axie infinity ngunit ang gameplay nito ay maihahalintulad sa mga larong Non-play to earn games like Dragon City, Farm Ville, Clash of Clans at iba pa. Ang Defi Pets ay nailaunched ng isang decentralized blockchain platform sa Vietnam at South East Asia na tinatawag na KardiaChain noong May 2021. Sa ngayon nagkaroon ng update sa game at naging kapartner nadin nila ang Binance Smart Chain. Nakitaan din ng karamihan ng malaking potensyal ang larong ito kung kaya ay tinatangkilik ito kahit kakarelease pa lamang. Hindi na nga nakakapag taka sapagkat nagtutulangan ang buong community nito na mapalago ang nainvest ng bawat isa. Mula sa players, Social media at pati nadin sa mga streamers ay pinopromote ang game upang marami ang makaalam. Hindi naman nabigo ang commumity kaya naman humakot ang Defi Pets ng napakaraming investment galing sa mga napakaraming new comers sa game. Nakakabilib din itong game na ito dahil nakapasok sa top 3 ang Defi pets sa Binance at popular na price tracking site na Coingecko. Dahil nga sa early game pa ito, low price ang currency nila kaya marami ang iinvest kahit wala pang play to earn system. Ayon sa gumawa ng My Defi Pets, may balak silang lagyan ito ng Play to Earn system kagaya na nga lamang ng PvP, Marketplace, Staking, Mission or Quest at iba pa. Narito sa baba ang roadmap ng My Defi Pets. Old ROADMAP before the Maintenance in July: New ROADMAP after the Maintenance in july: "Invest at Your Own Risk! " hindi lahat ng NFT games ay mag susustain ng napakatagal na panahon, tandaan na napakalayo na ng narating ng gaming industry kesa sa NFT games kung kaya ay marami pang maiimprove in terms of physics, gameplay, graphics at iba pa. Maaring ang mga larong ito ay stepping stone pa lamang para sa simula ng Industriya ng NFT games. But still its worth it na mag invest sa game at magkaroon ng profit bago paman mangyari ang pagkalaos. My Defi Pet is the people's choice of NFT industry. Maaring itong pumangalawa sa Axie or mahigitan ito. Affordable ito as of now and malaki ang chance na mag boom in the near future. Remember, You must learn basics and fundamentals of the crypto. The game is easy and basic but the system is not. So Invest wisely!.

+2 more