"Ikaw Pa Rin" THE FINAL (And The Real Reason Behind This Story)

27 69

Ang kwentong ito ay gawa-gawa lamang at hindi hango sa totoong kwento ng buhay, ang mga pangalan ng tauhan, pangyayare at ng lugar ay kathang-isip lamang. Wala sa alinmanto ang tumatayo sa totoong kwento pangyayare sa buhay.

A/N: Nainspired lang ako sa ganitong kwento hango sa mga naoobserbahan at napapanood ko. May iilang eksena dito na halos karugtong sa totoong buhay para mas damang-dama.


Title: Ikaw Pa Rin
Genre: Romance, Drama.
Chapter 1: "Ikaw Pa Rin" (Tagalog Fictional Story)
Chapter 2: "Ikaw Pa Rin" Chapter 2
Chapter 3: "Ikaw Pa Rin" Chapter 3
Chapter 4: Ikaw Pa Rin (Chapter 4)
Chapter 5: "Ikaw Pa Rin"

READ BEFORE YOU CONTINUE: KINDLY PLAY THIS VIDEO WHILE READING THIS CHAPTER. THANK YOU.

Nakadama ako ng malambot na higaan bago ako magising, saka ko lang narealize na nakahiga pala ako ngayon sa kama, ni di ko alam paano ako napadpad dito. Nung umupo ako ay bigla akong nakadama ng hilo kaya napahawak ako sa ulo ko, 'Nagpakalasing ka nanaman ng husto Victorina, alam mo namang di sanay katawan mo.

"Gising kana?", bungad ni Wilfred na may dalang honey water. Mukhang para sa hang-over to, "Oo, pasensya na nagabala kapa". Tugon ko dito, umupo to sa tabi ko at inabot ang baso sakin. Tumigin ito ng marahan saka huminga ng malalim, agad naman akong nakadama ng kaba dahil baka may nasabi ako na ayaw kong sabihin.

"May di ka ba sinasabi?" Biglang tanong nito, napatingin ako dito, gusto kong kalimutan lahat, pero at the same time ayaw ko. Gusto ko ibalik yung dating kami at the same iniisip ko yung pwedeng maging resulta.

"Ano yung mga bagay na di mo sinasabi?" Tanong ulit nito, this time tumingin na ako sakaniya ng naninigurado, maski ako di ko alam sasabihin ko. Natatakot ako, kinakabahan ako. "Bakit andito kapa? Anong oras na?", pagiiba ko ng tanong. Pero hinawakan ako nito sa pisnge at itinutok yung mata ko sakaniya.

"Rina, sino si Frectorina Ann? May di ka ba sinasabi?" Seryosong tugon nito, agad ay napatigil ako sa iniinom ko at nakadama ng lamig. 'Paano niya nalaman yung tungkol kay Ann?.

"Kung nagssalita ba ako papakinggan mo? Diba hindi? Ni di mo nga siguro ako hinanap nung isang araw na bigla akong nawala!". Humihikbing tugon ko kay Wilfred, hindi ito makasagot. Nakatingin lang ito saakin at tila walang masabi.

"Mali ka, Victorina. Kung hindi kita hinanap, sana ngayon palang wala ako sa harapan mo." Saad ni Wilfred, nabigla ako nung binanggit niya yung mga salitang yun. Kahit rin ako napapaisip, alam ko kung gaano kayaman si Wilfred, pero bakit nga ba siya nasa harapan ko?.

"Ngayon diba? Hindi mo alam bakit ako nasa harap mo, Victorina. Natapos lang lahat, pero hindi yung nararamdaman ko sayo. Nung umalis ka bigla, nung di kita nakita halos pakiramdam ko ay masisiraan ako ng bait Victorina.", ani niya na ikinatahimik ko, di ko alam kung maniniwala ako. Di ko alam kung may papaniwalaan ako.

"Oo lumayo ako, kasi nasaktan ako. Pinili kong pakawalan ka kasi nalaman kong matapos ng lahat ganyan lang pala kaiksi ang tiwala mo", sagot ko sakaniya. "Wilfred, di ko sinadyang lumisan. Di ko sinasadyang mawala, nasaktan ako ng sobra", dagdag ko.

'Sa totoo lang, natapos na ang lahat pero Wilfred, sa paglisan ng lahat 'Ikaw parin yung' pinakagusto ko.

"May anak tayo? Diba? Bakit di mo sinabi? Alam kong buntis ka nung oras na nangyare yun Victorina, pero bakit di mo hinayaan na kumalma lahat? Papakinggan parin kita." Ani nito, lumapit ito sakin at niyakap ako.

"Rina, di ko papalampasin ngayon yung pagkakataong to. Natapos lang lahat, pero sa kabila nun, 'Ikaw pa rin yung mahal ko", bulong ni Wilfred. Nung sabihin niya yun bigla akong naiyak, bigla nalang akong humagulgol. Ngayon, narealize kong sa paglipas at pagkatapos ng lahat, at maski sa paalam, 'Ikaw pa rin' talaga yung mahal ko.

-END-


Bitin pa ang ending? Pero sana nagustuhan niyo, balak ko gumawa about cheating. Pero pakiramdam ko baka di kayanin ng imagination ko. So ayun, naloka ako sa naisipan kong ending nito.


The reason behind this story:

So yung kwento nato is base talaga sya in real life, which is sa kasabihan na "Second chance, is sweeter than the first one.", bakit nga ba? Kasi forgiveness yung nagiging kasagutan. So what does "Forgiveness" means? Kapag sinabi nating forgive, hindi yan yung papatawarin mo lang siya dahil lang sa kasabihan na kailangan nating magpatawad, so. Super mali, so why is there are choices like Forgiveness?

So in this article, is base on my experiences. It's about, "Forgiving those who have wronged against you. So that, I can forgive myself also for choosing the wrong decision that leads me into the wrong path"

  • Forgiveness means letting go.
    If we intend to forgive someone ibig sabihin nun is nilelet natin yung self natin to grow more. What I mean about letting go is not about relationships, but letting go of our past, bad experiences, traumas, or whatsoever na naexpererince ng bawat isa saatin.

  • Forgiveness means letting go.

    Which is just let go. Letting go of something that we've been through is a good idea to start again.

  • Forgiveness means letting go.

    Magfoforgive tayo di dahil may kasabihan na kailangan natin ang magpatawad, kundi magpapatawad tayo para tuluyan narin tayo makalaya sa nakaraan natin. Letting go is not easy, lalo na kapag experiences, traumas, bad memories, but forgiveness will be the answer sa lahat ng pinagdaanan natin.

Bakit nga ba Forgiveness?

  • Kasi ayan yung pinakafirst step, to let go of the past. Ayan yung pinakafirst step, to let go of them. Hindi naman natin magagawang ilet go yung past, traumas, bad memories if we didn't learn how to forgive first.

    Di mo pwede sabihin na 'napatawad ko nayan, kaya okay ilelet go ko na. Iba yung letting go, na may forgiveness talaga. Iba yung letting go na mismong ginusto natin at pinili ng puso natin. Kesa sa letting go sasabihin lang natin, pero andyan parin yung galit, at poot. So lagi mong isipin na, mag lelet go ka, di dahil sa gusto mo at may kasabihan, kundi gagawin mo yun, para sa sarili mo. Because as I have said that learning how to forgive someone who have wronged against us is also a lesson for us to how to forgive ourselves also despite everything.


So sana yung last part is naging aral para sa mga taong di kaya magbigayng patawad, always remember the 3 parts of forgiveness above.

So hopefully, sa article nato ay may nashare akong pinakaimportant things for me heeheh.


THANK YOU SO MUCH @kingofreview , @Caroline17 , @ZehraSky, @Marinov , @renren16 , @Angel_183 , @Jane, @Ruffa , @tired_momma, and the 2 other contributors who upvoted my last article.

AND THANK YOU @Expelliarmus30 , @tired_momma, @Winx1988 , @Ruffa , @Yzza0625 , @renren16 , @Caroline17 , @Leymar012201 , @Loveleng18 , @OfficialDesepedaLikeUs , @SikritPirson , @Marinov , @JRamona20 , @Eunoia , @Ja_ne, @Jane, masaya akong makita name nyo sa comment section.

Pasensya sa mention, nagpapasalamat lang mga boss,hehehehe.


LATEST ARTICLES:


Date: 7-20-21
Originally by: OfficialGamboaLikeUs

12
$ 8.87
$ 8.50 from @TheRandomRewarder
$ 0.20 from @Ruffa
$ 0.05 from @Jane
+ 5
Sponsors of OfficialGamboaLikeUs
empty
empty
empty

Comments

Yooo

$ 0.00
3 years ago

Pang Wattpad na Ito haha anyway nakakatakot mag Mahal haha

$ 0.10
3 years ago

bat ka naman matatakot?

$ 0.00
3 years ago

kaya nakakatakot na mainlove eh 😅

$ 0.00
3 years ago

wag kanadaw mainlab HAHAAHHA

$ 0.00
3 years ago

ay natatakot lang ako pero gusto ko pa rin. 😁

$ 0.00
3 years ago

FORGIVE and FORGET. We're all human being, Lahat tayo nagkakamali. Hayaan nating ang Oras ang magsilbing daan upang paunti-unti ay maghilom ang mga sugat na dulot ng nakaraan. Hindi sapilitan ang pagpapatawad kusang ibinibigay ito ng puso kapag handa na ito.

Gaano man kalaki ang kasalanan, wag nating itanim sa mga puso natin ang galit dahil hindi makabubuti sa atin, LAHAT NG TANIM AY INAANI, kaya kung nagtanim ka ng sama ng loob sa isang tao,sama rin ang maaani mo. Hayaan mong ang NASA TAAS ang maghusga sa kahit sino mang nagkakasala sa atin.

$ 0.00
3 years ago

yes tama, ako 11 years bago ko natutunan magpatawad HAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

May nagsabi na sa'kin na "second time is always better than the first". Pero walang second chance na nangyari sa amin.:D Mahirap talaga magpatawad kapag nasaktan ka ng husto. Hindi naman yun ganyan kadali. It takes time to forgive someone, at kapag nagawa mo na yun ( yung magpatawad ), doon mo mararamdaman ang totoong kaligayahan.

$ 0.10
3 years ago

Oo, alam mo yung article nato base talaga sya sa experience ko. 11years before ko maintindihan sa sarili ko bat kailangan kong patawarin ung taong namgmolestya sakin, di kasi talaga ako makawala sa past and kagi akong binibulabog ng nakaraan. Nung natutunan kong ilet go lahat, pran napansin ko na nilet go yung self ko to grow more

$ 0.00
3 years ago

To err is human, to forgive is divine. It takes time for one to forgive and let go. When you forgive, you free yourself from pains.

$ 0.10
3 years ago

Yes :)

$ 0.00
3 years ago

Nag end nalang yung piece.. wala pa ako sa kalagitnaan nang kwento be.. hihi.. Pero anyways, pwede kana gumawa nang aklat be.❤️👏👏👏

$ 0.10
3 years ago

wala akong lakas na loob sa paggawa ng libro te hehehe

$ 0.00
3 years ago

Bakit naman be.. Kaya mo yan uie... Tiwala ka lang..❤️☺️

$ 0.00
3 years ago

Ahay yung song talaga Langga na fefeel ko habang binabasa... Gusto ko yung ending. Ikaw parin despite of everything...❤️

Yes Langga.. Sometimes we give a chance to ourselves to forgive. It is also to commit our freedom from anger and pain..

God bless you Langga.. You're always welcome..❤️🙏

$ 0.10
3 years ago

trueee

$ 0.00
3 years ago

Want ko din mag create ng story :>

$ 0.00
3 years ago

Ayy nag end na..that's a great piece po.😊. Sa ating buhay talaga ..may mga taong masasabi natin na sila parin ang ating mahal kahit sa kabila ng lahat.. Forgiveness is important din para mabigyan nating yung sarili natin na magmove on at mag grow despite yung mga mapapait na nangyari sa buhay natin.

$ 0.10
3 years ago

Tama ❤️

$ 0.00
3 years ago

Bagay un song talaga. Nakakaset ng mood. It takes time to learn to really forgive and forget and to allow second chances.

$ 0.10
3 years ago

Yes ❤️ Ayun lang super di dali magpatawad at magbigay ng chance kasi natatakot tayong masira ule trust natin

$ 0.01
3 years ago

Normal yun na magiging reaction natin. Di kasi pare-pareho ang coping mechanism natin. Di lahat mabilis mag move on.

$ 0.00
3 years ago

Biruin mo gano katagal hah, andyan panung nagiging marupok ule ako pero pigil

$ 0.00
3 years ago

Oo, ako 3years bago nakamoveon sa ex ko HAHAAHAHAH

$ 0.00
3 years ago

Ganda basahin while nakaplay yung kanta ni Moira damang dama yung scene hehez. And its bitin nga po pero maganda parin sya. And may pa share pa po kayo about forgiveness. You're right forgiving others means you also forgive yourself and free yourself from pain.

$ 0.10
3 years ago

yes, kasi sa experience ko mas nahirapan ako ilet go past ko during those times na diko alam kung ano yung gagawin ko, if magpapatawad bako o ano

$ 0.00
3 years ago