Hi! So naisipan kong gumawa ng isang tagalog fictional story and sana magustuhan niyo :).
Title: Ikaw Pa Rin.
Genre: Romance, Drama.
"Sigurado ka diyan sa plano mo? Paniguradong hindi malabo na hindi kayo magtagpo kapag bumalik ka nang Syudad, Victorina". Ani saakin ng pinsan kong si Sofia, alam kong nagaalala lang sya, pero buo na ang plano ko.
"Ako'y sigurado na, salamat sa iyong pagaalala". Nakangiting sagot ko rito. Napabuntong hininga na lamang ito at hindi na ako pinigilan.
"Mama aalis ka?" tanong saakin ng isang batang malaanghel ang itsura. Niluhran ko ito at hinalikan sa noo, "Oo nak, babalik rin si mama hah?". Sagot ko dito sabay yakap.
Tawagin niyo na lamang akong Victorina, 23 taong gulang at pansamantalanang andito sa aming probinsya. Lumipat ako dito, limang taon na ang nakakalipas mula nang wasakin nang isang tao ang puso ko.
"Siguraduhin mong kapag nakita mo yun di ka iiyak." Banta saakin nito, bahagya naman akong natawa nang sambitin niya. Matagal na kami magkasama ng pinsan ko at alam niya lahat ng kwento sa kabila ng lahat.
Kinabukasan ay agad akong bumiyahe papuntang manila, na sinalubong naman ako ng landlady na aking pagtitirhan, "Victorina, iha. Ang laki mo na! aba'y halika dito nang makapagpahinga kana," sabi nito nang makita ako. Ningitian ko to, halos bata pa pala ako ng huli akong makita ni Lola Lina, matagal-tagal na rin ng huling punta ko dito.
"Ang bata mo parin tingnan, Lola", sambit ko. Tumawaito ng marahan at tiningnan ako. "Tingnan mo ikaw, ang dalaga mo tingnan ngayon, ikaw talaga ang hilig mo mambola. 60 palang ako h'wag mong madaliin." sagot nito saakin na ikinatawa naming dalawa.
"Oo nga pala iha, may kasama ka dito sa loob ng bahay." bigla kong tingnan si Lola na naninigurado kung ano yung ibig niyang sabihin.
'Kasama? May multo ba dito?
"Hahahaha baka iniisip mong multo kasama mo? H'wag ka mag-alala walang multo dito, ikaw talaga" agad akong nakahinga ng maluwag sa sinabi ni lola, akala ko multo na.
"Sino lola?." Tanong ko, bahagya akong nakadama ng kaba, di ko alam perooo hindi ako mapakali sa sinabini lola.
"Hayaan mo, makikilala morin naman siya. Nasakabilang bahay lang naman ako incase na may kailangan ka pumunta ka lang hah". Malambing na usal niya. Tuango nalang ako at pumunta sa kwarto. 'Di talaga nagbago.
Matapos kong iikot ang mata ko sa aking kwarto ay inayos ko na yung mga gamit ko, bigla naman ako nabahala nang maalala ko yung sinabi ni lola. Sino naman kaya yun? At bakit ako kinakabahan? Kilala ko ba siya?. Habang nagaayos ako ng natitirang gamit ay nakarinig ako ng ingay sa baba na parang may dumating, "Anak, iha baba diyan andito na siya", rinig kong sabi ni Lola.
"Sandali lang po", sigaw ko pabalik. Bago ako pumuntang sala at dumaaan muna ako sa kusina upang magtimpla ng kape at dumeretso na.
"Iha, si Wilfred nga pala. Wilfred si Victorina nga pala". Bigla ay nabulunan ako ng marinig ko yung pangalang binanggit ni lola na sinabayan ng mabilis na heartbeat.
'Wilfred? Lord, binibiro mo ba ako?
"Jusko, ayos ka lang ba?". Pagaalalang tanong ni lola at lumapit saakin sabay hagod ng likod ko. Napatingin ako kay Wilfred, tama...siya nga. Nakita kong tumatawa ito nang bahagya saka ngumiti sakin.
*dubdub*
"Kamusta?" sambit niya sabay lakad palapit habang nakangiti. "Magkakilala kayo?", tanong ni lola dito. "Tamang-tama, ilang araw rin akong mawawala di ako magaalala sa apo ko" ikinatuwang sambit ni lola. Nanglaki bigla mata ko at napatingin dito, "Lola naman! Bakit sa lalake?!", nanglalaking matang tanong ko dito. Nagtaka naman ito at tingnan ako ng mata sa mata. "Bakit anak?, may problema ba? mabait si Wilfred, di naman siya masamang tao." nakangiting sambit nito.
"Wa-wala"
'Ano bayan Victorina! Ayusin mo, akala ko ba okay kana?!
"Sige na, manang. Umuwi ka na at madami ka pang gagawin" nakangiting sambit ni wilfred sakaniya. "O'sya ikaw na bahala dito sa apo ko." sagot sakaniya ni lola.
'Nay, wag ka namang umalis.
"Sinundan mo ba ako?". Pikon na tanong ko dito.
'Wait, ano ba yan Victorina ang kapal mo magsalita ng ganyan.
"What?, we just accidentally run to each other, Victorina." Seryosong sagot nito saakin, bigla akong kinabahan ng marinig ko ang seryosong tuno niya.
'Sobrang tagal na Wilfred, pero naduduwag ako ngayong nasaharapan pa kita. Hindi ko alam kung mahal pa ba kita, o niloloko ko lang yung sarili ko.
"Wala akong planong sundan ka. Tingin mo? Maniniwala ako sa nangyare years ago?.", agad ay napakagat labi ako sa sinabi niya, gusto ko magsalita, gusto ko umimik. Pero di ko magawa kasi alamkong di siya makikinig sa sasabihin ko. Alam kong sarado isip niya para paniwalaan ako.
"Wala naman akong balak magsalita, kailan mo ba ako naisipang pakinggan? Wala diba?", sagot ko dito. Pakiramdam ko ay bubuhos ang emosyon ko. Ayaw kong umiyak sa harap niya, ayaw kong magpakita ng kahinaan sakaniya.
Bago pa ito magsalita ay umalis na ako sa harapan niya, tama na. Sobrana yung nangyare noon. Ayaw ko nang maging mahina dahil sa mga nangyayare, hindi ako bumalik dito para sakaniya. Bumalik ako para sa buhay ng anak ko.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko, mali to. Hindi dapat ako magpaapekto.
Nang tiningnan ko ang oras sa phone ay magaalasyete napala ng gabi. Di muna siguro ako kakain, bukas nalang. Tinatamad ako lalo na at nakakasira ng araw si Wilfred.
Hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako.
Okay ba? heheheh, balik muna ako sa story at nakakamiss gumawa ng kwento. Wala pa akong maisip para sa article ko. Salamat sa pagbabasa!
Publish Date: 7-3-21
Originally By: OfficialGamboaLikeUs
Another part for this sis heheheh bitin din ako ehhh.. parang curious ako kung anong meron sila noon, at sinong ama ng anak niya haha