"Ikaw Pa Rin" Chapter 2

5 37

Title: Ikaw Pa Rin
Genre: Romance, Drama.
Chapter 1 Link: https://read.cash/@OfficialGamboaLikeUs/ikaw-pa-rin-tagalog-fictional-story-40b0c526


Paggising ko ay agad akong bumangon at pumunta ng kusina pero bago yun nagstay muna ako sa hagdan, nakita ko si Wilfred na umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.

'Naalaa ko madalas nya akong yakapin kapag bagong gising ako. Napailing nalang ako ng maalala ko kung gaano kami kalambing nung kami pa. Hindiko msabi sakaniya yung gusto kong sabihin, alam kong di siya makikinig, alam kong di niya ako papaniwalaan.

"Wag mo akong titigan mula dyan sa hagdan, pagkakamalan pa kitang whitelady". Biglang sambit nito at sabay tingin saakin, bigla naman akong natauhan saka biglang naalala na oo nga nakaallwhite pala ako.

"Di kita tinititigan, iniisip ko lang kung ano yung marasap sa umaga kung may bwiset akong nakita", mataray na sagot ko dito. Tumayo ito sa inuupuan nya at humarap sakin sabay upo sa lamesa na hawak ang kape habang nakarolyo ang newspaper sa kabilang braso nya. "Tingin mo pagkain ako para isipin mo kung ano yung masarap sa umaga?", pabalang na sagot nito.

Pinangikutan ko ito ng mata saka dumireto na sa kusina kung asan sya. Naghahanap ako ng lulutuin kasi gutom na gutom ako, di nga pala ako kumain ng dinner kaya pala. "May pancake sa lamesa, kumain ka na", sabay sabi ni Wilfred. Napahinto ako sa ginagawa ko para tumingin sa lamesa, inalis naman ni Wilfred ang takip sa may plato at nakita kong may dalawang piraso ng pancake dun..

Di ko alam kung nananadya ba si Wlfred, pero pareho naming alam na fav food ko yung pancake. Gusto ko syang tanungin pero hindi na ako nagsalita, oo nga pala. May trabaho pala ako ngayon sa isang company dito as secretary. First day so dapat hindi ako malate.

Agad akong kumain para makapaghanda. 9am ang pasok ko at 8;00 na, so dapat medyo maaga ako.

habang kumakain ako ay nakita ko i Wilfred na may kausap sa phone habang nakangiti at nakasuot ng Formal attire, while nagaayos ng necktie.

'Ang pogi mo parin Wilfred.

Napailing nalang ako at binilisan ang pagkain para makaalis na at makapunta sa unang araw ng trabaho.


"Mrs. Valentorde? Maya-maya po ay andito na ang Boss mo, please proceed kana po sa loob", tawag saakin ng isang assistant nito at ginuide ako papasok sa loob.

Habang nasaloob ako ay inikot ko ang aking mata hanggang sa mapadako ang tingin ko sa table ng aking boss.

'Wilfred Agoncillo.

Bigla nalang nanglaki yung mata ko ng makita ko ang pangalang nakapaloob dito. Teka, si Wilfred?. Hindi, hindi aalis ako dito. Maghahanap nalang ako ng ibang company.

Bago pa ako makalabas ay bigla naang may pumasok na isang matipunong lalake na muntik ko pang mabunggo. 5'9 si Wilfred, at ako 5'5 lang kaya kailangan ko pa itog tingalain palagi.

Napatalikod nalang ako at napayuko. 'Jusko ka, nakakahiya ka Victorina.

"Victorina Zhia Valentorde, right?". Tawag nito gamit sa seryosong tuno. Kung sa niliit nga ng mundo bakit siya pa?

"Ye-ye--yes sir". pautal-utal na sagot ko dito, tinaasan ako nito ng kilay. "May sakit ka ba para magpautal-utal ka sa harap ko?", malditong tanong nito.

'wag ngayon Wilfred, pakiusap

"Sir, hi--"

"Okay you can start now. Ayaw kong sinasayang oras ko." biglang sulpot nito at di ako pinatapos. Agad naman akong nag panic at napacheck ng ng gagawin.

"Icheck mo lahat to, ibigay mo saakin kapag tapos kana," utos nito at binigyan ako ng isangkartong puro papeles.

'Seryoso? Anong bibabalak mo Wilfred?

"Copy sir", magalang na sagot ko. Sa totoo lang nanggigigil ako, pero nasa office kami bawal ko syang sagutin ng pabalagbag at baka ano isipin ng iba.

nasakalagitnaan ako ng aking pageencode ng bigla akong makadama ng gutom, alasdose na pala. Siguro magtetake muna ako ng lunchbreak.

Agad kong tumayo at pumunta ng cafeteria, natatakam ako. Parang kulang yung kinain ko kanina, kumuha nalang ako ng spag, hamburger at isang slice ng pizza. Ang laki ng cafeteria dito, may card kaming hawal, sinaswipe lang sya at babawas na sa sweldo kung gaano kalaki yung kinuha mong presyo sa pagkan. Hightech no?

Pero nagtataka ako, kung sya yung boss ko how come andun sya sa tinutuluyan ko? Diba dapat may sariling bahay rin sya? Bakit kaya?

"Hi! Cessy nga pala. Diba ikaw yung new secretary?" Bati saakin ng isang babaeng may kagandahan kaya binati ko rin ito pabalik, "Ah, oo ako nga." nakangiting sagot ko dito. Niyaya niya ako sa isang bakanteng lamesa at nakipagkwentuhan.

"Nakailang secretary nayan si boss, di kasi tumatagal mga secretary nya, gwapo nga dragon naman". Sabi nito at nag rilleyes pa, bahagya akong natawa kasi tama siya, 'likas na ata kay Wilfred yan.

"edi pangilan ako?", tanong ko dito. Huminto ito sa kinakain niya at nagisip. "Basta madami di ko na mabilang halos wala pang isang linggo may bago nanaman", sagot nya sabay tuloy sa pagsubo.

Itutuloy.


Here's the chapter 2! thankyou so much ate @Janz and @CrazyRichFilipina sa pagtatanong ng part 2, ipabitin muna HAHAHAHA.

GODBLESS SAINYOOOO.

Date Publish: 7-4-21
originally By: OfficialGamboaLikeUs

2
$ 2.45
$ 2.45 from @TheRandomRewarder
Sponsors of OfficialGamboaLikeUs
empty
empty
empty

Comments

Galing mo talaga sis, aabangan ko ulit ang next hahaha, parang wattpad lang ahhh hehe

$ 0.05
3 years ago

Gumagawa rin ako ng kwento sa wattpad ateeee HAHAHAAH. Mahilig kasi ao sumali noon sa mga story making contest sa school

$ 0.00
3 years ago

Ganun ba, wow galing ahhh, heheh Keep it up baka one day gawan yan ng teleserye hehehe

$ 0.00
3 years ago