Happy Father's Day sa lahat ng Dakilang Ama!
Dahil may work ang mabait kong asawa nagpadeliver nalang ng pizza paborito ng mga kiddos. Mabuti work from home schedule niya ngayong araw kaya kasama parin siya ng mga dalaga namin.
Kanina pag-uwi namin galing sa church binati kaagad ang daddy nila sabay abot sa card o letter na ginawa nila sa kids church. Kinuhaan ko rin sila ng litrato para may remembrance this father's day :)
Itong suot pala na sombrebo ng daddy nila bigay ng kasamahan sa simbahan gift niya ngayon Araw ng mga Ama :) tawang-tawa pa kami ng mga bata kasi maliit sa ulo niya hindi bagay haha. Kailangan pa more diet and exercise para kumasya sa kanya :)
Kumusta ang inyong selebrasyon ngayong father's day?Meron man o walang handa ang mahalaga naipadama natin sa ating mga dakilang ama o partner sa buhay ang pagmamahal at respeto.
Happy and Blessed weekend Noise fam!
#HappyFathersDay2022
Beef Broccoli
Mapagpalang araw Noise fam!
Nakapaglunch naba ang lahat? Kami katatapos lang ng pananghalian. Ito ang ulam namin ng lunch ganun din hanggang sa dinner :) Itong karneng baka na sahog namin sa gulay dala pa ito nung biyenan ko galing Tagaytay dalawang linggo na yata nakaraan ngayon lang nailuto nakalagay lang sa freezer. Kaya broccoli nalang ang binili at hinaluan nalang din ng carrots :)
Para may ibang kulay ng gulay ang nakahalo maging makulay haha.
Ang sarap ng pagkaluto ng asawa ko mahilig rin talaga ito magluto dahil mahilig siyang kumain haha. Pero ngayon bawas na siya sa pagkain ng mga unhealthy foods pokus na siya sa pagdiet hehe kapag dinner sandwich nalang o salad kinakain niya at bawas kanin na rin siya para sa challenge nilang mag-ina :)
Walang Saturday Bible school mga anak ko kanina dahil napagod ang teacher nila sa swimming namin kahapon. Ang dami kasing batang makukulit inaalagaan mula sa church hanggang sa outing binabantayan niya haha.
Happy lunch sa inyong lahat. Stay safe and enjoy your weekend.
Tubigan Resort
Ang saya ng mga dalaga ko nakapagswimming uli sila :) Malapit lang sa bahay ang resort na'to isang sakay lang pero ngayon lang nakabalik dito after 4 years yata huling swimming namin dito. Nagyaya kasamahan namin sa church dahil birthday niya kaya napasama nalang din kasi kapag swimming gustong-gusto talaga ng mga chikiting.
Maaga Kaming pumunta dito para sulit ang pagligo ng mga bata alas siyete pa lang umalis na kami sa bahay at dito na nag almusal.
Kaya pagdating, kumain na kaagad at naligo excited lang masyado mga kiddos :) Ang dami rin swimming pool para sa mga bata kaya tuwang-tuwa talaga mga bata. Mamaya na ako maligo kapag pauwi na takot lang mangitim haha tamang bantay lang muna sa chikiting :)
Mapagpalang umaga Noise fam!
Early Birthday Gift
Mapagpalang gabi Noise fam! Sobrang busy sa araw na'to daming ginagawa deadline na rin kasi lahat ng activities at performance task ng mga chikiting dahil bakasyon na. Ang pinakahihintay ng mga kiddos at ganun din tayong mga momsh hehe pwede na uling late ang gising dahil wala ng online class :)
Kaninang hapon nagyaya itong asawa ko na ibili daw ng shoes ang dalawang dalaga namin :) advance gift na sa aming panganay dahil kaarawan niya next week. Syempre kasali ang bunso sa bibilhan ng gift hindi pwede ang ate lang niya :) sasabihin kaagad "it's unfair" haha.
Sayang lang itong hawak ko na sapatos nawala Kasi ang partner nagandahan talaga ako nito, wala na kasing kaparehas at parehas na size nito. Ang sabi ng nag aassist sa amin baka maling size daw ang naibigay sa bumiling customer kasi hindi magkatugma ang size na naiwan. Kaya kapag ako bumibili tinitingnan ko ang mga size kung magkaparehas ba talaga.
Kaya itong dalawang magkatabi nalang na sapatos ang nabili ko sa dalawang dalaga ko. Maganda kasi white rubber shoes pwede sa dress at bagay sa kahit anong susuotin mo :) Pinili ko rin yung walang sintas para mabilis isuot.
Mabuti nalang nakasale ngayon dahil father's day week kaya medyo nakatipid :) Naka off asawa ko ngayong araw kaya naisipan na ngayon na mamili kasi next week na uli ang day off birthday ng panganay namin. Nag-iisip pa anong gagawin sa birthday ng ate lablab namin hindi pa makapuntang Tagaytay dahil may assesment exam pa si bunso next week pinapapunta sila sa school.
Plano kasi sa Tagaytay na magcelebrate ng birthday kasama ang Lolo at Lola mamasyal nalang daw doon :)Pero dahil hindi makapunta sila nalang Lolo at Lola ang papuntahin dito sa bahay laging present naman at may dalang regalo kapag birthday ng mga apo hehe spoiled, sila pa lang kasing dalawa ang mga apo :)
Baby Cactus ^_^
Nakakatuwa lumaki na ang mga cactus na tinanim ko :) Mabuti pa itong halaman na'to hindi maselan nabuhay siya medyo lumaki na rin sobrang liit kasi niyan nung dinala ng kapatid ko galing Mindoro nakaraang December. Ang galing kasi nung kapatid kong yun mag-alaga ng halaman, yun ang business niya sa Mindoro ang dami niyang tanim at binibenta niya madiskarte ang kapatid ko na yun kahit nasa ibang bansa asawa niya kumakayod rin siya ng pagkakakitaan niya :)
Dinala niya ito nung nakaraang December dito sa Cavite dahil sabay kaming nagbakasyon nun sa province namin pero hindi kaagad ito natanim pagbalik na namin galing bakasyon sa probinsya naitanim nitong taon lang ng Enero katapusan.
Maganda rin ang pwesto ng mga cactus ko nasisikatan siya ng araw tuwing umaga kapag umaga nasa bahay namin ang sikat ng araw :) Kaya rin siguro maganda ang paglaki ng mga cactus. At bihira ko lang din sila diligan yun kasi ang sabi ng kapatid kong plantita :) Sana magpatuloy ang paglaki nila ilipat ko nalang sa ibang lagayan kapag malaki na sila. Sana mamulaklak ang ganda siguro tingnan diko lang alam kung namulaklak mga ito hindi ko natanong sa kapatid ko :)
Kumusta kayo Noise fam? biglang bumuhos ulan ngayon ngayong hapon dito sa amin. Stay safe ang lahat.

Sweets Pasalubong ^_^
Kakauwi lang ng asawa ko at ito pasalubong niya sa amin. Mas gusto ko talaga ang doughnut na'to hindi siya ganun katamis kumpara sa iba. Inangkin na kaagad ng mga anak ko tig-dalawa daw sila, kay bunso yung chocolate flavor at strawberry naman ang ate :)
Itong asawa kong nagdadiet hihirit pang doughnut din daw siya kahit kalahati tikman niya lang hindi nakatiis haha. Kaya hati kami sa isang donut isa't kalahati yung share ko :)
Bumili pa ng chocolates para daw sa akin hindi naman ako ganun kahilig sa chocolates kaya mga anak ko lang makaubos nito. Masarap din naman ito kainin pagkatapos ng meal pampaalis ng lansa o umay lalo na kapag paksiw ang ulam ko haha. Ang gusto ko dark chocolate sabi niya next time nalang daw kapag may extra budget :)
Kumusta kayo Noise fam?Mapagpalang araw ng Lunes sa inyong lahat.
Movie Night!
Tuwing weekend ito madalas bonding naming pamilya manonood ng movie :) Pinapanood namin ngayon ay "Interceptor" sundalong babae yung bida. Try nyo nalang din panoorin mukhang maganda naman wala pa kami sa kalahati ng palabas.
Habang nanonood sarap ng snacks ng mga kiddos nagpabili sila kanina sa daddy nila sa jobee. Ang haba ng tulog ng mga dalaga ko kanina kaya okay lang kahit alas diyes na sila matulog. Kapag hindi kasi sila natutulog ng hapon alas otso pa lang pinapatulog ko na lalo na may pasok pa sila kinabukasan.
Isang linggo nalang bakasyon na ng mga bata kaya bakasyon na rin tayong mga mommies hehe.
Blessed Night Noise fam! Hope you enjoy your weekend.
6.6 Sale Budol!
Ito na yung pinakahihintay ng asawa ko nabili niya ito nung sale (6.6) medyo malaki na rin discount nanghinayang pa siya kasi yung Air Fryer na binili niya mga nakaraang linggo lang ay nagsale din sayang ang laki pa naman ng discount dapat pala sinabay na niya dito sa timbangan.
Pinu-push na talaga ng asawa ko pagda-diet at para ma-monitor kung pumayat na siya kailangan talaga itong timbangan :) Kailangan niyang galingan at magseryoso sa pagpapayat dahil sa 15k challenge nilang mag-ina. Sabi ko magpursige na siya sayang ang 15k haha tapos kapag natalo naman siya kami ang magbigay sa biyenan ko ng 15k :) Kaya dapat lang seryosohin na niya may kalahating taon pa naman hanggang December usapan nila hehe.
Ang gastos rin ng pagkain ng pampadiet maarte din kasi itong asawa ko pasosyal ang pagkain na gusto niya. Kailangan mong suportahan para magpursige siya at para din naman sa kanyang good health yun.
Ang ganda rin nitong nabili niya na timbangan, makikita mo iba pang details tungkol sa katawan mo tapos pwede iconnect sa cellphone para ma-track mo ang progress o marecord ang details mo everyday.
Happy and Blessed weekend Noise fam. Enjoy your day and stay safe. God Bless!
Beef Mechado!
Mapagpalang araw ng Sabado Noise fam! Maganda ang weather ngayon kaya nakatuyo na sa nilabhan ko kahapon. Dati every Saturday ang laba day ko pero may Bible school mga dalaga ko ng ganitong araw kaya pinaaga ko na ang araw ng paglalaba dahil nag-aassist din ako sa mga bata sa church.
Ito pala ulam namin ngayon mapapadami kain ko nito mukhang masarap pagkaluto ko :) Ito pa yung dala ng mga biyenan na karneng baka nakaraang linggo ngayon ko lang naluto. Nakalimutan ko pala bumili ng bell pepper mas masarap sana kung meron at mabango rin. Nauubusan pa kami ng gasul habang pinapalambot ko at inabot pa ng mahigit 30 minutes bago nadeliver. Mabuti medyo bumaba ngayon ang gasul nasa 1180 nalang nakaraan daw kasi umabot ng 1400. Tumagal rin ang gasul namin huling bili ko second week ng February pa sana itong ngayon umabot din ng ganun katagal :)
Happy lunch sa inyong lahat!
Buto ng Langka!
Isang mapagpalang gabi Noise fam. Sobrang busy sa araw na ito ang daming ginagawa nag assist sa activities ng mga bata at laba dami day rin. Mabuti nakiayon ang weather ang ganda ng panahon.
Ito na pala yung mga buto ng langka na nilaga ko. Ang dami kasing langka na pasalubong ng mga biyenan ko nakaraang araw nung bumisita sila. Sayang kung itapon ko kaya nilaga ko ito yung agahan ko kanina partner ng kape hehe.
Ganito ginagawa namin noon sa probinsya pagkatapos namin salo-salong kumain ng isang buong langka ng pamilya. Nilalaga namin ang buto at gawing meryenda masarap din naman papakin :)
Pinatry ko mga anak kanina sa pagkain tinikman lang kaunti hindi man lang nakalahati ang buto umayaw na taste weird daw haha. Lalo na asawa kong maarte ayaw talaga tikman :D
Kaming laking probinsya lang yata makarelate sa pagkain nato hehe. Kumakain din ba kayo nito?
My Girls with Spider Man ^_^
Pa-throwback muna :) galing ito sa phone ng asawa ko nilipat na niya mga pictures sa drive dahil puno na cellphone niya at ganun sa akin sayang daw kasi binabayaran niya yung drive para hindi mapuno mga cellphone namin :)
At ito nga nakita ko old pictures ng mga dalaga ko hehe ang liliit pa nila dito parang hindi pinapakain nag katawan ng panganay ko ang payat niya :)
Ito ay tatlong taon na nakalipas namasyal kami nito sa Tagaytay Residence Inn.
Nadaanan namin itong naka-costume ng spider man nakatayo kaya tuwang-tuwa mga anak ko nakita siya. Kaya hindi pinalagpas kinuhaan namin ng litrato. Nakikipag-usap pa si bunso sa spider man tinuturuan kasi siya ng sign sa kamay habang kuhaan sila ng litrato :)
Feel na feel talaga nilang si Spider man ang kasama nila haha ang kulit din kasi ni spider man Kaya enjoy mga bata sa kanya. Hoping soon God's will makapasyal ulit dito balak namin sa birthday ng ate sa susunod na linggo tamang-tama bakasyon na :)
#Throwback
#ThreeYearsAgo
Meryenda Time!
Nagpadeliver na naman ang asawa ko ng pizza at garlic bread. Nag abot daw kasi ang biyenan ko kahapon ng pangsnacks namin sobrang generous talaga itong biyenan kong babae. Ibili daw ang mga apo ng masarap na meryenda alam niya kasing mahilig mga kiddos sa pizza.
Nakasalo namin sa meryenda kapatid kong lalaki at asawa niya pinapunta ko kasi dito sa bahay para mabigyan sila ng saging at langka na dala ng mga biyenan ko kahapon medyo marami kasi yun kaya share the blessings :) Medyo kalayuan yung bahay ng kapatid ko pero may single motor naman siya at sinusundo naman niya ang asawa niya nagtatrabaho sa hospital dito malapit sa amin.
Tuwang-tuwa na naman mga dalaga ko paboritong pagkain nila nakahain na meryenda :) Ang sarap ng garlic bread yun lang kinain ko busog much na. Thank you Lord sa blessings!
Bunso Artwork!
Ito yung ginawa namin ni bunso kanina performance task niya sa Sining. Pinorma ko lang yung wire na tao tapos si bunso na naglagay ng clay para maging tao at lagyan ng mga design na gusto niya.
Habang ako naman nagbibidyo sa ginawa niya. Hinayaan ko lang siya, ayaw rin naman na pakialaman ko siya sa kanyang ginagawa hehe.
Mas mabuti rin maging independent siya sa mga task niya.
Kailangan daw yung artwork na nagawa ay nakatayo kaya ayan kinuhaan ko ng litrato habang ito'y nakatayo :) Halatang girl yung gumawa natatawa ako nilagyan pa talaga niya ng dibdib :) At mayroon pang mga bracelet sinabihan kasi siya ng ate niya na lagyan para pretty. Maganda sana kung may ibang kulay ng clay pero ito lang nabili na kulay kaya no choice para magawa na ang task at maipasa na.
Blessed Evening Noise fam!
Pasalubong ^_^
Nakabisita uli ang mga biyenan ko galing Tagaytay, nakakatuwa ang daming pasalubong pinakagusto ko talaga ang langka bihira lang makakain nito dahil pricey siya.
Nakaraang linggo dalawang kilo ng karneng baka ang dala nila ngayon ito naman :) Ang saya rin ng mga kapitbahay kasi nabigyan din sila ng langka. Isang buong langka kasi nabili nila nadaanan habang papunta dito. Sa Tagaytay ganito talaga mga saging karamihan binibenta isang buwig wala akong ibang masabitan kaya dito nalang sa upuan :)
Mabuti day off ng asawa ko medyo malayo kasi ang sasakyan ng mga biyenan ko nakapark hindi makapasok dito sa street namin ang daming nakapark kasi sa gilid. Ang bigat ng langka malaki kasi, dito sa bahay pinaghati-hati. Hindi na nagdala ng langka mga biyenan ko sa amin lang at mga kapitbahay naghati :) bibili nalang daw sila ng sa kanila ang generous ng mga biyenan ko inaalala mga marites ko na kapitbahay hahaha.
Mamaya after lunch hihimayin ko itong langka at itatabi ko ang mga buto para malaga sayang Kung itapon ang dami nito :) Namiss ko na itong nilagang buto ng langka sa probinsya ganyan ginagawa namin iniipon para malaga at gawing meryenda :)
Kumusta ang lahat?makulimlim na naman ang panahon uulan na naman siguro mamaya nito tuwing hapon na umuulan. Stay safe Noise fam.
Happy and Blessed day sa lahat!

Missing My Hometown
Ang saya lang nila tingnan magpipinsan tuwang-tuwa naglalaro ng tubig at gusto pa nilang magswimming diyan. Malinis naman ang tubig galing sa bundok dahil panay ulan ng oras na yun kaya nag-uumapaw ang tubig. Pero sa totoo lang naranasan talaga namin maligo dito nung after bagyong odette dahil walang linya ng tubig at yung balon din namin nabahaan kaya madumi rin ang tubig, no choice dito nalang kami naligo dahil ayaw ng pumnta ng malayo. Mabuti nalang hindi kami nangati sa pinaggagawa namin :) at yung mga anak first time nila maranasan ibang-iba talaga ang buhay probinsya hindi ka pwedeng maarte haha game naman mga anak ko :)
Ito yung time ng bakasyon namin nakaraang pasko at sinalubong kami ni odette after two days ng dating namin sa province. Kaya nasaksihan talaga namin ang lakas ng bagyo at dahil tabi kami ng ilog bumaha talaga awa ng Diyos hindi naman nakapasok sa loob ng bahay ang baha. Kaya parang ilog ang paligid dito sa daanan malalim ang tubig.
Naghihintay kami ng oras nato ng tricycle papunta kaming beach. Halos araw-araw gusto ng mga kiddos ang swimming bago makarating ng dagat basa na sila :)
#MyProvince
#Vacation2021
Taco for Snack/Dinner ^_^
Itong asawa kong nagdadiet pero puro pagkain naiisip anong masarap kainin. Kaya ito naisip niyang meryenda namin ang gastos lang talaga pero gusto ko rin naman namiss ko itong taco lalo na yung crispy taco pero masarap na rin itong soft taco :) Sabi ko nga sa kanya akala ko ba diet ka bakit puro nalang pagkain naiisip mo paano Ka papayat niyan isipin mo rin ang 15k challenge nyo ng mama kung papayat ka haha. Sabi naman niya healthy naman daw pagkain naiisip niya kagaya nitong ginawa niya ngayon. Sabi ko nalang, oo nga healthy naman magastos lang sa lettuce pa lang magkano na haha pumunta pa talaga siya sa Robinson para bumili ng iceberg lettuce kasi wala sa palengke sabi ko pwede na kasi yung romaine lettuce ang arte lang talaga.
Pero sulit naman ang gastos ang sarap ng taco ito na rin dinner namin mag-asawa. Mga anak ko naman nagustuhan rin ayaw lang talaga nila ng kamatis o sibuyas. Kaunting ground beef lang lettuce at cheese ang gusto nila ilagay sa tortilla wrap.
Kumusta kayo Noise fam? Pabago-bago talaga ang weather kanina ang tindi ng init ngayon hapon biglang umulan. Mag-iingat tayong lahat.
Sunday Swimming ^_^
Basta swimming enjoy na enjoy talaga mga bata :)
Sobrang init kasi ang panahon kaya ang sarap talaga magbabad sa tubig. Kahapon pa gusto nila maligo wala lang magpalobo sa inflatable pool nila kaya sabi ngayon nalang dahil day off ng daddy nila.
Kaya pag-uwi namin kanina galing church kumain na kaagad para makapagswimming na sila. Magsawa sila kakaligo niyan siguradong maggagabi na bago aahon mga ito sulitin na rin para hindi sayang ang tubig :)
Kumusta kayo Noise fam?Enjoy your weekend with family. Happy and Blessed Sunday!
Saturday Bible School
Kakauwi lang namin galing church, every Saturday may Bible school mga dalaga ko. Mas marami nag attend nakaraang linggo kaysa kanina.
Pinaghiwalay na mga maliliit na bata ang walong taon hanggang sampu sa baba sila at ang mga pitong taon pababa dito sa taas para hindi daw magulo :)
Kaya nahiwalay ang bunso sa ate niya naiwan siya dito sa taas at sa baba ang ate dahil walong taon na ito:) Ang sabi ni bunso ang gugulo daw ng kasama niya mga maliliit pa kasi kaya puro laro pa lang :) Hindi pa talaga nakikinig masyado sa nagtuturo kaya dapat mahaba ang pasensya sa mga nagbabantay haha.
Sa baba kasi ako nag assist sa room ng ate niya doon hindi magulo nakikinig na talaga sa nagtuturo malalaki na kasi sila kaya behave lang.
Akyat lang uli sila sa taas kapag tapos na ang pagtuturo at meryenda time na :)
Happy and Blessed Saturday Noise fam!
Hand Sock Puppet!
Natapos rin ng panganay ko ang Performance task niya sa Sining syempre with the help of mama haha. Ang kanyang Hand Sock Puppet artwork simple lang basta may maipasa siya dahil marami pang tasks na gagawin :) Hindi talaga ako mahilig sa arts kaya hindi kagandahan :)
Ang panganay ko ang tagagupit sa mga ginawa ko at tagadikit sa medyas kailangan kasi sila bidyuhan habang ginagawa ang task.
Tuwang-tuwa naman ang ate sa nagawa na hand sock puppet so cute daw haha. Ang ganda lang ng ngiti niya gandang-ganda sa artwork niya :)
Happy and Blessed Friday Noise fam!
Throwback Thursday!
Tatlong taon na ang nakalipas sa mga larawan na'to. Ang payatot talaga ng panganay ko noon nakakaawa ang katawan tingnan. Wala kasing gana kumain that time kaya nakakatuwa tingnan ngayon magana ng kumain :)
Ito pala ay namasyal kami sa Tagaytay Residence Inn sobrang nag enjoy mga anak ko dito lalo na sa pagpapakain ng mga camel kahit takot lalo na panganay ko enjoy parin nakakatuwa lang silang tingnan nito :)
Natawa ako dito sa ibon (owl yata 'to) na hinawakan nila parang galit lang hindi friendly haha. Nakangiti sila diyan pero takot ang mga yan humawak may bayad kasi itong pagpapicture nila sa ibon kaya sabi ko hawakan na rin nila para sulit ang bayad :) Dito ko rin unang beses nakahawak ng katawan ng ahas kaming buong pamilya kasama mga in-laws ko may hawak sa malaking ahas takot talaga ako nun pero gusto ko rin matry hawakan tutal marami naman kaming may hawak kaya hindi nakakatakot masyado :) wala lang akong picture sa hipag ko lang na phone gamit pagpicture kasi nakalimutan ko na rin manghingi ng kopya :)
Hindi na rin pala kami nakabalik dito hoping soon bakasyon ng mga bata nakapasyal ulit dito.
Kumusta kayo Noise fam?Mapagpalang gabi sa lahat!
Lunch Time!
Nakabisita ang mga biyenan ko kaninang umaga galing Tagaytay at ang tuwa ko dahil may pasalubong silang karneng baka mura lang kasi doon. Bumili sila ng dalawang kilo, isang kilo para panglaga at isang kilo rin pang steak. Sobrang mahal kasi nito dito kaya bihira lang makaulam ng karneng baka madalas karneng manok ulam namin o kaya gulay at isda.
Nakatipid ako ngayon sa budget ng ulam hinati ko sa dalawa yung karneng panlaga at pangsteak masyadong marami kapag niluto ko lahat. Binabad ko na yung pangsteak para mas masarap bukas ulam namin at yung kalahati ay tinabi ko gagawin kong mechado sa susunod na araw :)
Tamang-tama ang ulam namin nilagang baka sarap humigop ng sabaw malamig ang panahon. Nag-umpisa ng bumuhos ang malakas na ulan kaya malamig ang panahon kaninang umaga ambon lang.
Mapagpalang araw Noise fam! Mag-iingat po ang lahat. God Bless!
Late Meryenda!
Biglang bumuhos ang ulan ngayon hapon kaninang umaga ang tindi ng araw. Habang namalengke kaninang umaga napabili rin ako ng saging saba ang ganda kasi ng saging tapos nasa 35pesos lang ang kilo madalas kasi 45pesos ang kilo nito tapos malalaki na rin.
Kaya ito ginawa kong bananacue namiss kong magluto nito isa sa paborito kong meryenda. Katatapos lang ng mga kiddos sa activities nila kaya nagutom at hinayaan ko na rin maggadget. Ang seryoso nila parang may exam lang haha ganyan mga bata kapag gadget ang hawak :)
Ang sarap ng pagkaluto ko yun sabi ng mga anak ko haha nambola para ipagluto ko sila palagi bihira lang kasi ako magluto ng snacks nila :) mas masarap naman talaga ito kapag mainit pa.
Medyo relax na tapos na mga gawain sarap sa pakiramdam :) medyo malamig rin ang panahon dahil nakaulan kanina.
Tinolang Pampano!
Ito ang ulam namin mag-ina for today tinolang isda. Paborito ng dalawang dalaga ko ang isda na'to masarap naman din talaga at malaman siya. Medyo mahal nga lang ang kilo nito isang piraso lang binili ko almost 200pesos na kaagad. Minsan lang din makabili nito ang mahal kasi hinaluan ko lang ng saluyot at malunggay. Mas masarap sana may tanglad pampabango kaso hindi pa lumago ang tanim ko kinakain pa ng alaga ng mga anak na pusa inuunahan pa ako :) masama yata pakiramdam kaya niya kinakain gamot daw kasi nila yun.
Mahihilig mga anak ko sa green leaves na sinabawan kaya ganito nalang ginawa kong recipe tiyak magugustuhan nila.
Kami lang mag-ina sa ngayon nasa work asawa ko kaya ito ulam namin wala ang maarte kong asawa ayaw kasi yun ng sinabawan na isda, bukod sa sinigang sa miso na salmon yun lang kinakain niya kapag fish na sinabawan :)
Hanggang dinner na ulam namin itong tinola. Mag oatmeal lang naman yung asawa ko mamayang dinner dahil pinupush na niya ang pagda-diet para sa 15k challenge nilang mag-ina (biyenan ko) kapag pumayat siya haha.
Happy lunch Noise fam! Mapagpalang araw sa inyong lahat.
Sweet Snacks ^_^
Pagkatapos magsawa kakalaro kahapon sa mall bago umuwi nagpabili na naman ng doughnuts sa daddy at dahil hindi marunong magtipid itong asawa ko bumili naman may extra naman daw sa baon niya :)
Kaya itong doughnuts na isang box natira kahapon ang meryenda namin ngayon manghingi lang akong isa :) ang tatakaw kasi ng dalawang anak ko nito pero nakakatuwa naman magana silang kumain paborito kasi nila :)
Nakapagmeryenda naba ang lahat? Makulimlim na ngayon kanina ang tindi ng sikat ng araw sana bumuhos ang ulan sobrang alinsangan kasi ng panahon. Stay safe Noise fam paiba-iba ang weather wag kalimutan ang payong kapag umalis ng bahay ang hirap magkasakit.
Happy Day!
Napagala kahapon sa mall dahil nagpumilit ang dalawang dalaga ko kaya pinagbigyan dahil bihira lang din naman sila makagala. Ito talaga ang habol nila kapag nakagala sa mall ang maglaro sa arcade kaya mapapagastos ka talaga sa tokens pa lang magkano na kaagad hehe.
Pero sulit naman dahil super nag enjoy sila yun naman ang importante happy sila :) Ang saya lang nila tingnan sabik na sabik sa tagal din nilang hindi nakapaglaro dito kaya ang tagal natapos ako ang napapagod kakasunod sa kanila haha. Si daddy nila ang nagtuturo sa mga nilalaro wala rin naman akong alam sa ibang laro :) Bonding moments na rin nilang mag-ama.
Mabuti nalang hindi umulan kahapon nakikiayon sa paglakwatsa namin :)
Happy and Blessed Monday Noise fam!
Sunday Fam day!
Kakauwi lang namin galing mall nagyaya mga kids mamasyal daw. Kaya pagkatapos ng church service ng alas onse umaga kanina diretso na kaagad sa mall.
Sa mall na rin kumain kaya napagastos hehe minsan lang naman kaya pagbigyan :) dito na kami sa Gilligan's restaurant kumain medyo pangmasa ang presyo ng pagkain dito kumpara sa ibang restaurant at masasarap din food nila :)
Tuwang-tuwa na naman mga dalaga ko nakapamasyal uli dito nagsawa rin kakalaro sa arcade. Basta happy sila happy kana rin kahit ang gastos haha.
Nakakapagod rin talaga mamasyal kung ako lang mas gusto ko magstay sa bahay hindi pa mapagastos haha. Pero mapilit mga kiddos kaya pinagbigyan nalang kasi bihira lang din naman sila makagala ng mall :)
Kumusta ang inyong weekend Noise fam?Hope nag enjoy kayo with your family or friends. Blessed Sunday and stay safe. God Bless!
Happy Kids!
Napabili na naman ang daddy nila sa gusto nilang meryenda napasarap ang tulog nila kaya ngayon lang makapagmeryenda. Ang sarap kasi matulog malamig ang panahon maulan kasi ngayon araw kaninang umaga pa lang bumuhos na ang malakas na ulan.
Mabuti nalang nasa church na mga kami ng mga anak ko nung bumuhos ang malakas na ulan tuwing Sabado kasi may Bible School sila.
May kasama pang laruan ang pinabiling pagkain kaya tuwang-tuwa na naman mga kiddos nadagdagan toys nila.
Siguradong late na ang dinner nito mamaya :)
Mapagpalang araw Noise fam. Stay safe. God Bless!
Parcel Received!
Pagkatapos ng limang araw dumating na rin ang pinakahihintay ng aking asawa ang kanyang Air Fryer :) umorder siya nito online dahil desidido na daw siya magpapayat haha.
May binigay na challenge kasi ang mama niya nung nandun kami sa Tagaytay na bago daw matapos ang taon na'to dapat pumayat na siya :) May premyo daw na 15k kapag nagawa ang challenge kapag hindi naman nagawa kami ang magbibigay sa biyenan ko ng 15k, Kaya kailangan niya magpursige magpapayat para kami ang makatanggap ng premyo haha.
Mamaya pa masusubukan paggamit nito, mukhang maganda ito maraming pwede mong iluto. Dito nalang ako magtoast ng bread mga anak ko mahilig sa toasted bread :)
Kumusta kayo Noise fam? Maganda ang weather ngayon sana magtuloy-tuloy para makatuyo sa mga nilabhan ko kahapon napaaga ang paglalaba ko hindi ko na hinintay ang Sabado sobrang dami na kasi nila kumakaway na sa akin hehe.
Happy and Blessed Friday to all! Stay safe ang lahat.
Meryenda Time!
Ang tindi ng sikat ng araw kaninang umaga tapos ngayon hapon biglang umulan. Kaya dapat may baon tayong payong palagi kapag umalis ng bahay paiba-iba ang weather.
Masarap din matulog ngayon malamig ang panahon pero hindi talaga ako sanay matulog ng hapon maraming pinagkakaabalahan mga anak ko lang pinapatulog ko :)
Kaya ito meryenda muna samahan ng kape itong bread rolls sa akin sa mga dalaga ko ang cake slice paborito nila yan.
Pasalubong ito ng asawa ko galing sa work kahapon nabawasan na itong slice cake ng dalawang anak ko kahapon tig isang slice sila. Itong bread rolls ang ngayon ko pa lang kakainin tamang-tama sa kape malamig ang panahon.
Mag-iingat po ang lahat. Have a blessed day!
My Little Princess ^_^
Natuwa lang ako dito larawan ni bunso ang cute lang :) Medyo matagal na po ito tatlong taon na mahigit ang nakalipas, isa siya sa flower girl sa kasal ng tita nila, pinsan ng daddy nila. Siya ay tatlong taon dito.
Ang ate niya ay kasunod dito naglakad sa kanya kasama ko dahil ayaw maglakad mag isa nahihiya naiiyak na kaya sinamahan ko nalang, hindi lang nakuhaan ng litrato ng daddy nila ewan ko ba bakit si bunso lang. Kami ng panganay niya hindi man lang kinuhaan ng litrato hindi ko tuloy makita hitsura ko dito habang naglalakad haha.
Natutuwa nga mga tao dito kay bunso kasi nakangiti at kumakaway pa yan habang naglalakad, feel na feel talaga niya ang moment :)
Sabi nga ng mga kamag-anak ng asawa ko nakakatuwa daw si bunso mas sinamahan ko pa daw kasi ang ate kaysa kanya, siya kaya na walang mama sa tabi :) Nung nakita ni bunso picture na'to sabi pa niya "I look innocent here, mama" sabi ko nalang oo nga ngayon ang kulit mo na haha.
Mapagpalang Martes Noise fam maganda ang sikat ng araw ngayon, kaya mainit na uli ang panahon :)
#Throwback
#FlowerGirl