Taco for Snack/Dinner ^_^ Itong asawa kong nagdadiet pero puro pagkain naiisip anong masarap kainin. Kaya ito naisip niyang meryenda namin ang gastos lang talaga pero gusto ko rin naman namiss ko itong taco lalo na yung crispy taco pero masarap na rin itong soft taco :) Sabi ko nga sa kanya akala ko ba diet ka bakit puro nalang pagkain naiisip mo paano Ka papayat niyan isipin mo rin ang 15k challenge nyo ng mama kung papayat ka haha. Sabi naman niya healthy naman daw pagkain naiisip niya kagaya nitong ginawa niya ngayon. Sabi ko nalang, oo nga healthy naman magastos lang sa lettuce pa lang magkano na haha pumunta pa talaga siya sa Robinson para bumili ng iceberg lettuce kasi wala sa palengke sabi ko pwede na kasi yung romaine lettuce ang arte lang talaga. Pero sulit naman ang gastos ang sarap ng taco ito na rin dinner namin mag-asawa. Mga anak ko naman nagustuhan rin ayaw lang talaga nila ng kamatis o sibuyas. Kaunting ground beef lang lettuce at cheese ang gusto nila ilagay sa tortilla wrap. Kumusta kayo Noise fam? Pabago-bago talaga ang weather kanina ang tindi ng init ngayon hapon biglang umulan. Mag-iingat tayong lahat.
7 comments
maganda naisip nang asawa mo sis no carbs de bale na magastos basta maging fit and healthy naman
Oo nga sis magastos Lang talaga pero sulit naman masarap home made taco gawa niya at healthy rin :)
Sarap na sarap ang daughter mo sa Tacos, ka-noise! Tama naman ang mister mo, healthy naman iyan at di naman nakakataba, pricey nga lang hehe . Good afternoon, ka-noise!
Oo nga kanoise healthy naman at masarap Yun nga lang talaga pricey siya :)
Ang sasarap namn po Nyan sis parang ang tagal tagal ko di nakakain Nyan kaya mapapa snaa all nalang ako
Favr din namin ang tacos ng asawa ko friend pero totooz ang gastos kase ang dami ipapalaman... Medyo nanganganib amg 15k sis ahaha
Kaya nga sis magastos itong meryenda pero masarap naman minsan Lang din naman :) Kaya nga sis kinakabahan ako sa challenge na yan haha kaya sinabihan ko magseryoso na siya dahil kalahati na ng taon ang bilis Lang talaga Ng araw.