Missing My Hometown Ang saya lang nila tingnan magpipinsan tuwang-tuwa naglalaro ng tubig at gusto pa nilang magswimming diyan. Malinis naman ang tubig galing sa bundok dahil panay ulan ng oras na yun kaya nag-uumapaw ang tubig. Pero sa totoo lang naranasan talaga namin maligo dito nung after bagyong odette dahil walang linya ng tubig at yung balon din namin nabahaan kaya madumi rin ang tubig, no choice dito nalang kami naligo dahil ayaw ng pumnta ng malayo. Mabuti nalang hindi kami nangati sa pinaggagawa namin :) at yung mga anak first time nila maranasan ibang-iba talaga ang buhay probinsya hindi ka pwedeng maarte haha game naman mga anak ko :) Ito yung time ng bakasyon namin nakaraang pasko at sinalubong kami ni odette after two days ng dating namin sa province. Kaya nasaksihan talaga namin ang lakas ng bagyo at dahil tabi kami ng ilog bumaha talaga awa ng Diyos hindi naman nakapasok sa loob ng bahay ang baha. Kaya parang ilog ang paligid dito sa daanan malalim ang tubig. Naghihintay kami ng oras nato ng tricycle papunta kaming beach. Halos araw-araw gusto ng mga kiddos ang swimming bago makarating ng dagat basa na sila :) #MyProvince #Vacation2021
No comments yet