Lunch Time! Nakabisita ang mga biyenan ko kaninang umaga galing Tagaytay at ang tuwa ko dahil may pasalubong silang karneng baka mura lang kasi doon. Bumili sila ng dalawang kilo, isang kilo para panglaga at isang kilo rin pang steak. Sobrang mahal kasi nito dito kaya bihira lang makaulam ng karneng baka madalas karneng manok ulam namin o kaya gulay at isda. Nakatipid ako ngayon sa budget ng ulam hinati ko sa dalawa yung karneng panlaga at pangsteak masyadong marami kapag niluto ko lahat. Binabad ko na yung pangsteak para mas masarap bukas ulam namin at yung kalahati ay tinabi ko gagawin kong mechado sa susunod na araw :) Tamang-tama ang ulam namin nilagang baka sarap humigop ng sabaw malamig ang panahon. Nag-umpisa ng bumuhos ang malakas na ulan kaya malamig ang panahon kaninang umaga ambon lang. Mapagpalang araw Noise fam! Mag-iingat po ang lahat. God Bless!
9 comments
naku mahal nga ang karneng baka sis dito nasa 450 bwat kilo niya kaya bihira lang bumili din..ang bait nang inlaw mo sissy inaalala niya talaga kayo
Kaya nga sis same din dito ang mahal Ng karneng baka.
Wow Ang sarap po nyan sis yan ang namimiss kopong kainin yang baka na yan sis enjoy mopo lalu Yung sabaw Nyan
Ako din sis bihira lang talaga makaulam Ng karneng baka dahil sobrang mahal.
Ang sarap niyan na nilaga mate. Swak sa malamig na panahon tapos may sawsawang maanghang anghang.
Oo nga sis perfect ulam ngayon maulan ang panahon :)
Balita ko nga din, bukod sa mas mura na e mas malasa pa daw ang mga baka sa tagaytay. Hmm...makapag Tagaytay nga din para di ako naiingit sa nilagang baka. Hahaha.
Lagi ang bisita ng iyong mga inlaw no friend? Sanay matuloy sialng maging malakas...ang sweet nilq qt lagi kayo binibisita
Oo nga sis halos every week sila bumubisita namiss mga apo nila :)