Throwback Thursday! Tatlong taon na ang nakalipas sa mga larawan na'to. Ang payatot talaga ng panganay ko noon nakakaawa ang katawan tingnan. Wala kasing gana kumain that time kaya nakakatuwa tingnan ngayon magana ng kumain :) Ito pala ay namasyal kami sa Tagaytay Residence Inn sobrang nag enjoy mga anak ko dito lalo na sa pagpapakain ng mga camel kahit takot lalo na panganay ko enjoy parin nakakatuwa lang silang tingnan nito :) Natawa ako dito sa ibon (owl yata 'to) na hinawakan nila parang galit lang hindi friendly haha. Nakangiti sila diyan pero takot ang mga yan humawak may bayad kasi itong pagpapicture nila sa ibon kaya sabi ko hawakan na rin nila para sulit ang bayad :) Dito ko rin unang beses nakahawak ng katawan ng ahas kaming buong pamilya kasama mga in-laws ko may hawak sa malaking ahas takot talaga ako nun pero gusto ko rin matry hawakan tutal marami naman kaming may hawak kaya hindi nakakatakot masyado :) wala lang akong picture sa hipag ko lang na phone gamit pagpicture kasi nakalimutan ko na rin manghingi ng kopya :) Hindi na rin pala kami nakabalik dito hoping soon bakasyon ng mga bata nakapasyal ulit dito. Kumusta kayo Noise fam?Mapagpalang gabi sa lahat!
3 comments
natatakot ako humawak nang ahas sis buti kapa hindi takot jan tsaka yang owl haha ang laki buti sis hindi nagalaw yang owl sis
Nakakatakot talaga yung ahas sis nilakasan ko lang loob ko kasi gusto ko matry at marami naman kaming hahawak hehe. Oo nga sis mabuti hindi gumalaw ang owl :)
Ang laki ng owl na yan ha.. enjoy talaga kabonding pamilya.