Sweets Pasalubong ^_^ Kakauwi lang ng asawa ko at ito pasalubong niya sa amin. Mas gusto ko talaga ang doughnut na'to hindi siya ganun katamis kumpara sa iba. Inangkin na kaagad ng mga anak ko tig-dalawa daw sila, kay bunso yung chocolate flavor at strawberry naman ang ate :) Itong asawa kong nagdadiet hihirit pang doughnut din daw siya kahit kalahati tikman niya lang hindi nakatiis haha. Kaya hati kami sa isang donut isa't kalahati yung share ko :) Bumili pa ng chocolates para daw sa akin hindi naman ako ganun kahilig sa chocolates kaya mga anak ko lang makaubos nito. Masarap din naman ito kainin pagkatapos ng meal pampaalis ng lansa o umay lalo na kapag paksiw ang ulam ko haha. Ang gusto ko dark chocolate sabi niya next time nalang daw kapag may extra budget :) Kumusta kayo Noise fam?Mapagpalang araw ng Lunes sa inyong lahat.
8 comments
Masarap ang Krispy Kreme malambot ang texture at hindi nakakasuya na gaya ng ibang doughnuts. Kaya tiyak nag-enjoy na naman ang mga kids. Pasens'ya na pala now ko lang nakita nabisita, nagipon muna kasi ako ng pamasahe hehe.
Oo nga kanoise mas masarap din para sa akin ang doughnuts nato. opo sobrang saya ng kids sa pasalubong :) Ganyan din ako kanoise nag iipon ng pamasahe medyo matagal talaga ngayon hehe
Mahilig talaga si mister mo sis nang pasalubong kaya natutuwa mga bata hehe well sa bagay dalawa lang sila diba kaya dapat bongga lagi ibang brand pala yan nang doughnut sis parang nakakatakam lang din
Oo nga minsan mainis ka ang gastos niya kasi pero pagkain naman at paborito Ng mga bata kaya hayaan nalang galing naman daw sa baon niya pinambili :)
Apaka sweet ng nagpasalubong at ang sweet ng kaniyang mga pasalubong ...ayy, buti naku tento na sa kalahati friend eheeh sanay pumayat siya ng manalo
Oo nga sis puro sweets ang pasalubong bawal sa asawa mabuti pumayag sa kalahati nakita ko naman pursigido na talaga siyang pumayat. Hoping talaga sis manalo siya wala akong 15k pambyad kong matalo haha
sarap naman hehe ako sis simula magka anak sobrang hilig ko sa mga matamis chocolate mga panghimagas heheh good afternoon.
Ako naman sis hindi masyado pero masarap siya kainin pagkatapos ng meal pampaalis ng lansa o umay :)