Beef Mechado! Mapagpalang araw ng Sabado Noise fam! Maganda ang weather ngayon kaya nakatuyo na sa nilabhan ko kahapon. Dati every Saturday ang laba day ko pero may Bible school mga dalaga ko ng ganitong araw kaya pinaaga ko na ang araw ng paglalaba dahil nag-aassist din ako sa mga bata sa church. Ito pala ulam namin ngayon mapapadami kain ko nito mukhang masarap pagkaluto ko :) Ito pa yung dala ng mga biyenan na karneng baka nakaraang linggo ngayon ko lang naluto. Nakalimutan ko pala bumili ng bell pepper mas masarap sana kung meron at mabango rin. Nauubusan pa kami ng gasul habang pinapalambot ko at inabot pa ng mahigit 30 minutes bago nadeliver. Mabuti medyo bumaba ngayon ang gasul nasa 1180 nalang nakaraan daw kasi umabot ng 1400. Tumagal rin ang gasul namin huling bili ko second week ng February pa sana itong ngayon umabot din ng ganun katagal :) Happy lunch sa inyong lahat!
5 comments
Sulit na rin ang gasul mo ka-noise, bale 4months mo pala itong ginamit.Sarap ng niluto mong iyan.😋
Oo nga kanoise sulit din ang gamit nakaapat na buwan din :)
Kami naman po every friday ang bible study namin and evening ginaganap kaya may time pa sa work.. Nakakatuwa naman po.. And enjoy ur food po
Maganda rin po rin gabi Bible study uwian ng work. Every Saturday po Bible school kasi walang pasok mga bata :)
Kung sabagay po maganda din po un.. Nice to meet you po by the way.