read.cash Log in
@ruby0622

My Girls with Spider Man ^_^ Pa-throwback muna :) galing ito sa phone ng asawa ko nilipat na niya mga pictures sa drive dahil puno na cellphone niya at ganun sa akin sayang daw kasi binabayaran niya yung drive para hindi mapuno mga cellphone namin :) At ito nga nakita ko old pictures ng mga dalaga ko hehe ang liliit pa nila dito parang hindi pinapakain nag katawan ng panganay ko ang payat niya :) Ito ay tatlong taon na nakalipas namasyal kami nito sa Tagaytay Residence Inn. Nadaanan namin itong naka-costume ng spider man nakatayo kaya tuwang-tuwa mga anak ko nakita siya. Kaya hindi pinalagpas kinuhaan namin ng litrato. Nakikipag-usap pa si bunso sa spider man tinuturuan kasi siya ng sign sa kamay habang kuhaan sila ng litrato :) Feel na feel talaga nilang si Spider man ang kasama nila haha ang kulit din kasi ni spider man Kaya enjoy mga bata sa kanya. Hoping soon God's will makapasyal ulit dito balak namin sa birthday ng ate sa susunod na linggo tamang-tama bakasyon na :) #Throwback #ThreeYearsAgo

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.