read.cash Log in
@ruby0622

Beef Broccoli Mapagpalang araw Noise fam! Nakapaglunch naba ang lahat? Kami katatapos lang ng pananghalian. Ito ang ulam namin ng lunch ganun din hanggang sa dinner :) Itong karneng baka na sahog namin sa gulay dala pa ito nung biyenan ko galing Tagaytay dalawang linggo na yata nakaraan ngayon lang nailuto nakalagay lang sa freezer. Kaya broccoli nalang ang binili at hinaluan nalang din ng carrots :) Para may ibang kulay ng gulay ang nakahalo maging makulay haha. Ang sarap ng pagkaluto ng asawa ko mahilig rin talaga ito magluto dahil mahilig siyang kumain haha. Pero ngayon bawas na siya sa pagkain ng mga unhealthy foods pokus na siya sa pagdiet hehe kapag dinner sandwich nalang o salad kinakain niya at bawas kanin na rin siya para sa challenge nilang mag-ina :) Walang Saturday Bible school mga anak ko kanina dahil napagod ang teacher nila sa swimming namin kahapon. Ang dami kasing batang makukulit inaalagaan mula sa church hanggang sa outing binabantayan niya haha. Happy lunch sa inyong lahat. Stay safe and enjoy your weekend.

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.