6.6 Sale Budol! Ito na yung pinakahihintay ng asawa ko nabili niya ito nung sale (6.6) medyo malaki na rin discount nanghinayang pa siya kasi yung Air Fryer na binili niya mga nakaraang linggo lang ay nagsale din sayang ang laki pa naman ng discount dapat pala sinabay na niya dito sa timbangan. Pinu-push na talaga ng asawa ko pagda-diet at para ma-monitor kung pumayat na siya kailangan talaga itong timbangan :) Kailangan niyang galingan at magseryoso sa pagpapayat dahil sa 15k challenge nilang mag-ina. Sabi ko magpursige na siya sayang ang 15k haha tapos kapag natalo naman siya kami ang magbigay sa biyenan ko ng 15k :) Kaya dapat lang seryosohin na niya may kalahating taon pa naman hanggang December usapan nila hehe. Ang gastos rin ng pagkain ng pampadiet maarte din kasi itong asawa ko pasosyal ang pagkain na gusto niya. Kailangan mong suportahan para magpursige siya at para din naman sa kanyang good health yun. Ang ganda rin nitong nabili niya na timbangan, makikita mo iba pang details tungkol sa katawan mo tapos pwede iconnect sa cellphone para ma-track mo ang progress o marecord ang details mo everyday. Happy and Blessed weekend Noise fam. Enjoy your day and stay safe. God Bless!
8 comments
Sana nga makamit niya iyong timabang na inaabot niya kanoise! Bukod sa magiging physically fit siya may 15k pa siya 😊
Hoping din talaga kanoise para na rin sa magandang kalusugan niya:)
Ayos po pala sis ehh Sana kayo po Ang manalo ehh at malaking Halaga din po Yung 15k
Oo nga sis, claim ko na kaagad ang 15k hehe
Magkano bili mo niyan sissy,maganda abay parang gusto ko nang ganyan peru saka na pag totally on diet na talaga ako ahaha
Nasa 700pesos mahigit din sis para ma-monitor niya yung progress hehe.
Hindi ako marunong magorder sa online mas gusto ko parin ung nakikita ko in personal
Maganda rin naman mag order online less hassle na yun nga lang din di ka sure kung maganda ba talaga ang item. Pero itong nabili Ng asawa ko maganda naman siya.