Meryenda Time! Nagpadeliver na naman ang asawa ko ng pizza at garlic bread. Nag abot daw kasi ang biyenan ko kahapon ng pangsnacks namin sobrang generous talaga itong biyenan kong babae. Ibili daw ang mga apo ng masarap na meryenda alam niya kasing mahilig mga kiddos sa pizza. Nakasalo namin sa meryenda kapatid kong lalaki at asawa niya pinapunta ko kasi dito sa bahay para mabigyan sila ng saging at langka na dala ng mga biyenan ko kahapon medyo marami kasi yun kaya share the blessings :) Medyo kalayuan yung bahay ng kapatid ko pero may single motor naman siya at sinusundo naman niya ang asawa niya nagtatrabaho sa hospital dito malapit sa amin. Tuwang-tuwa na naman mga dalaga ko paboritong pagkain nila nakahain na meryenda :) Ang sarap ng garlic bread yun lang kinain ko busog much na. Thank you Lord sa blessings!
2 comments
Sarap naman po ng merienda nyo? Nakakagutom eh. Enjoy po sa pagkain
Minsan lang sis itong masarap na meryenda Kaya tuwang-tuwa mga kiddos:)