Early Birthday Gift Mapagpalang gabi Noise fam! Sobrang busy sa araw na'to daming ginagawa deadline na rin kasi lahat ng activities at performance task ng mga chikiting dahil bakasyon na. Ang pinakahihintay ng mga kiddos at ganun din tayong mga momsh hehe pwede na uling late ang gising dahil wala ng online class :) Kaninang hapon nagyaya itong asawa ko na ibili daw ng shoes ang dalawang dalaga namin :) advance gift na sa aming panganay dahil kaarawan niya next week. Syempre kasali ang bunso sa bibilhan ng gift hindi pwede ang ate lang niya :) sasabihin kaagad "it's unfair" haha. Sayang lang itong hawak ko na sapatos nawala Kasi ang partner nagandahan talaga ako nito, wala na kasing kaparehas at parehas na size nito. Ang sabi ng nag aassist sa amin baka maling size daw ang naibigay sa bumiling customer kasi hindi magkatugma ang size na naiwan. Kaya kapag ako bumibili tinitingnan ko ang mga size kung magkaparehas ba talaga. Kaya itong dalawang magkatabi nalang na sapatos ang nabili ko sa dalawang dalaga ko. Maganda kasi white rubber shoes pwede sa dress at bagay sa kahit anong susuotin mo :) Pinili ko rin yung walang sintas para mabilis isuot. Mabuti nalang nakasale ngayon dahil father's day week kaya medyo nakatipid :) Naka off asawa ko ngayong araw kaya naisipan na ngayon na mamili kasi next week na uli ang day off birthday ng panganay namin. Nag-iisip pa anong gagawin sa birthday ng ate lablab namin hindi pa makapuntang Tagaytay dahil may assesment exam pa si bunso next week pinapapunta sila sa school. Plano kasi sa Tagaytay na magcelebrate ng birthday kasama ang Lolo at Lola mamasyal nalang daw doon :)Pero dahil hindi makapunta sila nalang Lolo at Lola ang papuntahin dito sa bahay laging present naman at may dalang regalo kapag birthday ng mga apo hehe spoiled, sila pa lang kasing dalawa ang mga apo :)
4 comments
Kami sis sa 27 pa graduation kaya todo practice pa si panganay naku sayang naman namali pa nang size ganda pa naman peru mas okay din yang mga nabili niyo sis gusto ko din ang kulay white kasi malinis tingnan bagay na bagay yan sa dalawang dalaga mo sis
Maganda nga ang white rubber shoes sa mga batang babae, kanoise! Malinis tignan at presentable ang dating. Tiyak na haping-hapi na naman ang 2 kids habang magkakasama kayong lahat sa pamimili bilang family bonding niyo rin iyan.
Opo kanoise mas maganda ang white rubber shoes kahit anong suot bagay siya:) Haping-hapi kanoise may bagong shoes sila :)
wow. ganda ng shoes nila ehhehe