Baby Cactus ^_^ Nakakatuwa lumaki na ang mga cactus na tinanim ko :) Mabuti pa itong halaman na'to hindi maselan nabuhay siya medyo lumaki na rin sobrang liit kasi niyan nung dinala ng kapatid ko galing Mindoro nakaraang December. Ang galing kasi nung kapatid kong yun mag-alaga ng halaman, yun ang business niya sa Mindoro ang dami niyang tanim at binibenta niya madiskarte ang kapatid ko na yun kahit nasa ibang bansa asawa niya kumakayod rin siya ng pagkakakitaan niya :) Dinala niya ito nung nakaraang December dito sa Cavite dahil sabay kaming nagbakasyon nun sa province namin pero hindi kaagad ito natanim pagbalik na namin galing bakasyon sa probinsya naitanim nitong taon lang ng Enero katapusan. Maganda rin ang pwesto ng mga cactus ko nasisikatan siya ng araw tuwing umaga kapag umaga nasa bahay namin ang sikat ng araw :) Kaya rin siguro maganda ang paglaki ng mga cactus. At bihira ko lang din sila diligan yun kasi ang sabi ng kapatid kong plantita :) Sana magpatuloy ang paglaki nila ilipat ko nalang sa ibang lagayan kapag malaki na sila. Sana mamulaklak ang ganda siguro tingnan diko lang alam kung namulaklak mga ito hindi ko natanong sa kapatid ko :) Kumusta kayo Noise fam? biglang bumuhos ulan ngayon ngayong hapon dito sa amin. Stay safe ang lahat.
8 comments
Napansin ko nga hindi mahirap alagaan ang mga cactus may cactus si misis sa ibabaw ng pader namin bibihirang madiligan pero okay naman ito. Dito sa amin parang dumaan lang ng konti ng ilang patak ang ulan, di gaya kahapon na sobrang lakas.
Naku sis ang sa akin niyan tinabi ko dahil yong bby ko panay punta e matinik siya diba haha kaya for safety tinabi kona muna siya sa gilid para di makita nang bby ko ang kulit kasi kapag nakalabas kung ano ano kinakalikot hahah
Oo nga sis delikado nga naman sa mga batang maliliit ito...itong akin nakasabit sa bintana nasisikatan kasi Ng araw ang pwesto nila dito.
Madami kami ganyan ibat ibang cactus nung kalakasan pa nang bentahan niyan natitinda si kuya ko, kaso nung madami nang gumaya tumigil na kasi pahirapan nang mang angkat nang cactus at tumataas ang puhunan niya dahil nakikilala na nun time na un pandemic pa yata nun malakas..
Oo nga kanoise dumami talaga naging plantita Ng nagpandemic pinagkakakitaan ang pagtatanim ng halaman kaya daming gumagaya sayang naman natigil ang pagtitinda ng kuya mo nito mahirap din talaga kapag marami ng kompetinsya.
Nag iba na po siya nang business si kuya mas maganda na refilling station at meron pa siyang mga alahasan..
Cute nman ng cactus mo friend..
Oo nga sis lumalaki na kasi sana mamulaklak :)