read.cash Log in
@ruby0622

Buto ng Langka! Isang mapagpalang gabi Noise fam. Sobrang busy sa araw na ito ang daming ginagawa nag assist sa activities ng mga bata at laba dami day rin. Mabuti nakiayon ang weather ang ganda ng panahon. Ito na pala yung mga buto ng langka na nilaga ko. Ang dami kasing langka na pasalubong ng mga biyenan ko nakaraang araw nung bumisita sila. Sayang kung itapon ko kaya nilaga ko ito yung agahan ko kanina partner ng kape hehe. Ganito ginagawa namin noon sa probinsya pagkatapos namin salo-salong kumain ng isang buong langka ng pamilya. Nilalaga namin ang buto at gawing meryenda masarap din naman papakin :) Pinatry ko mga anak kanina sa pagkain tinikman lang kaunti hindi man lang nakalahati ang buto umayaw na taste weird daw haha. Lalo na asawa kong maarte ayaw talaga tikman :D Kaming laking probinsya lang yata makarelate sa pagkain nato hehe. Kumakain din ba kayo nito?

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.