read.cash Log in
@ruby0622

Pasalubong ^_^ Nakabisita uli ang mga biyenan ko galing Tagaytay, nakakatuwa ang daming pasalubong pinakagusto ko talaga ang langka bihira lang makakain nito dahil pricey siya. Nakaraang linggo dalawang kilo ng karneng baka ang dala nila ngayon ito naman :) Ang saya rin ng mga kapitbahay kasi nabigyan din sila ng langka. Isang buong langka kasi nabili nila nadaanan habang papunta dito. Sa Tagaytay ganito talaga mga saging karamihan binibenta isang buwig wala akong ibang masabitan kaya dito nalang sa upuan :) Mabuti day off ng asawa ko medyo malayo kasi ang sasakyan ng mga biyenan ko nakapark hindi makapasok dito sa street namin ang daming nakapark kasi sa gilid. Ang bigat ng langka malaki kasi, dito sa bahay pinaghati-hati. Hindi na nagdala ng langka mga biyenan ko sa amin lang at mga kapitbahay naghati :) bibili nalang daw sila ng sa kanila ang generous ng mga biyenan ko inaalala mga marites ko na kapitbahay hahaha. Mamaya after lunch hihimayin ko itong langka at itatabi ko ang mga buto para malaga sayang Kung itapon ang dami nito :) Namiss ko na itong nilagang buto ng langka sa probinsya ganyan ginagawa namin iniipon para malaga at gawing meryenda :) Kumusta ang lahat?makulimlim na naman ang panahon uulan na naman siguro mamaya nito tuwing hapon na umuulan. Stay safe Noise fam. Happy and Blessed day sa lahat!

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.