read.cash Log in
@ruby0622

Saturday Bible School Kakauwi lang namin galing church, every Saturday may Bible school mga dalaga ko. Mas marami nag attend nakaraang linggo kaysa kanina. Pinaghiwalay na mga maliliit na bata ang walong taon hanggang sampu sa baba sila at ang mga pitong taon pababa dito sa taas para hindi daw magulo :) Kaya nahiwalay ang bunso sa ate niya naiwan siya dito sa taas at sa baba ang ate dahil walong taon na ito:) Ang sabi ni bunso ang gugulo daw ng kasama niya mga maliliit pa kasi kaya puro laro pa lang :) Hindi pa talaga nakikinig masyado sa nagtuturo kaya dapat mahaba ang pasensya sa mga nagbabantay haha. Sa baba kasi ako nag assist sa room ng ate niya doon hindi magulo nakikinig na talaga sa nagtuturo malalaki na kasi sila kaya behave lang. Akyat lang uli sila sa taas kapag tapos na ang pagtuturo at meryenda time na :) Happy and Blessed Saturday Noise fam!

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.