read.cash Log in
@ruby0622

@ruby0622 in June 2022

@ruby0622

Lunch Time! Nakabisita ang mga biyenan ko kaninang umaga galing Tagaytay at ang tuwa ko dahil may pasalubong silang karneng baka mura lang kasi doon. Bumili sila ng dalawang kilo, isang kilo para panglaga at isang kilo rin pang steak. Sobrang mahal kasi nito dito kaya bihira lang makaulam ng karneng baka madalas karneng manok ulam namin o kaya gulay at isda. Nakatipid ako ngayon sa budget ng ulam hinati ko sa dalawa yung karneng panlaga at pangsteak masyadong marami kapag…

@ruby0622

Throwback Thursday! Tatlong taon na ang nakalipas sa mga larawan na'to. Ang payatot talaga ng panganay ko noon nakakaawa ang katawan tingnan. Wala kasing gana kumain that time kaya nakakatuwa tingnan ngayon magana ng kumain :) Ito pala ay namasyal kami sa Tagaytay Residence Inn sobrang nag enjoy mga anak ko dito lalo na sa pagpapakain ng mga camel kahit takot lalo na panganay ko enjoy parin nakakatuwa lang silang tingnan nito :) Natawa ako dito sa ibon (owl yata 'to) na…

@ruby0622

Hand Sock Puppet! Natapos rin ng panganay ko ang Performance task niya sa Sining syempre with the help of mama haha. Ang kanyang Hand Sock Puppet artwork simple lang basta may maipasa siya dahil marami pang tasks na gagawin :) Hindi talaga ako mahilig sa arts kaya hindi kagandahan :) Ang panganay ko ang tagagupit sa mga ginawa ko at tagadikit sa medyas kailangan kasi sila bidyuhan habang ginagawa ang task. Tuwang-tuwa naman ang ate sa nagawa na hand sock puppet so cute daw…

@ruby0622

Saturday Bible School Kakauwi lang namin galing church, every Saturday may Bible school mga dalaga ko. Mas marami nag attend nakaraang linggo kaysa kanina. Pinaghiwalay na mga maliliit na bata ang walong taon hanggang sampu sa baba sila at ang mga pitong taon pababa dito sa taas para hindi daw magulo :) Kaya nahiwalay ang bunso sa ate niya naiwan siya dito sa taas at sa baba ang ate dahil walong taon na ito:) Ang sabi ni bunso ang gugulo daw ng kasama niya mga maliliit pa…

@ruby0622

Sunday Swimming ^_^ Basta swimming enjoy na enjoy talaga mga bata :) Sobrang init kasi ang panahon kaya ang sarap talaga magbabad sa tubig. Kahapon pa gusto nila maligo wala lang magpalobo sa inflatable pool nila kaya sabi ngayon nalang dahil day off ng daddy nila. Kaya pag-uwi namin kanina galing church kumain na kaagad para makapagswimming na sila. Magsawa sila kakaligo niyan siguradong maggagabi na bago aahon mga ito sulitin na rin para hindi sayang ang tubig :) Kumusta…

@ruby0622

Taco for Snack/Dinner ^_^ Itong asawa kong nagdadiet pero puro pagkain naiisip anong masarap kainin. Kaya ito naisip niyang meryenda namin ang gastos lang talaga pero gusto ko rin naman namiss ko itong taco lalo na yung crispy taco pero masarap na rin itong soft taco :) Sabi ko nga sa kanya akala ko ba diet ka bakit puro nalang pagkain naiisip mo paano Ka papayat niyan isipin mo rin ang 15k challenge nyo ng mama kung papayat ka haha. Sabi naman niya healthy naman daw pagkain…

@ruby0622

Missing My Hometown Ang saya lang nila tingnan magpipinsan tuwang-tuwa naglalaro ng tubig at gusto pa nilang magswimming diyan. Malinis naman ang tubig galing sa bundok dahil panay ulan ng oras na yun kaya nag-uumapaw ang tubig. Pero sa totoo lang naranasan talaga namin maligo dito nung after bagyong odette dahil walang linya ng tubig at yung balon din namin nabahaan kaya madumi rin ang tubig, no choice dito nalang kami naligo dahil ayaw ng pumnta ng malayo. Mabuti nalang…

@ruby0622

Pasalubong ^_^ Nakabisita uli ang mga biyenan ko galing Tagaytay, nakakatuwa ang daming pasalubong pinakagusto ko talaga ang langka bihira lang makakain nito dahil pricey siya. Nakaraang linggo dalawang kilo ng karneng baka ang dala nila ngayon ito naman :) Ang saya rin ng mga kapitbahay kasi nabigyan din sila ng langka. Isang buong langka kasi nabili nila nadaanan habang papunta dito. Sa Tagaytay ganito talaga mga saging karamihan binibenta isang buwig wala akong ibang…

@ruby0622

Bunso Artwork! Ito yung ginawa namin ni bunso kanina performance task niya sa Sining. Pinorma ko lang yung wire na tao tapos si bunso na naglagay ng clay para maging tao at lagyan ng mga design na gusto niya. Habang ako naman nagbibidyo sa ginawa niya. Hinayaan ko lang siya, ayaw rin naman na pakialaman ko siya sa kanyang ginagawa hehe. Mas mabuti rin maging independent siya sa mga task niya. Kailangan daw yung artwork na nagawa ay nakatayo kaya ayan kinuhaan ko ng litrato…

@ruby0622

Meryenda Time! Nagpadeliver na naman ang asawa ko ng pizza at garlic bread. Nag abot daw kasi ang biyenan ko kahapon ng pangsnacks namin sobrang generous talaga itong biyenan kong babae. Ibili daw ang mga apo ng masarap na meryenda alam niya kasing mahilig mga kiddos sa pizza. Nakasalo namin sa meryenda kapatid kong lalaki at asawa niya pinapunta ko kasi dito sa bahay para mabigyan sila ng saging at langka na dala ng mga biyenan ko kahapon medyo marami kasi yun kaya share…

@ruby0622

My Girls with Spider Man ^_^ Pa-throwback muna :) galing ito sa phone ng asawa ko nilipat na niya mga pictures sa drive dahil puno na cellphone niya at ganun sa akin sayang daw kasi binabayaran niya yung drive para hindi mapuno mga cellphone namin :) At ito nga nakita ko old pictures ng mga dalaga ko hehe ang liliit pa nila dito parang hindi pinapakain nag katawan ng panganay ko ang payat niya :) Ito ay tatlong taon na nakalipas namasyal kami nito sa Tagaytay Residence Inn.…

@ruby0622

Buto ng Langka! Isang mapagpalang gabi Noise fam. Sobrang busy sa araw na ito ang daming ginagawa nag assist sa activities ng mga bata at laba dami day rin. Mabuti nakiayon ang weather ang ganda ng panahon. Ito na pala yung mga buto ng langka na nilaga ko. Ang dami kasing langka na pasalubong ng mga biyenan ko nakaraang araw nung bumisita sila. Sayang kung itapon ko kaya nilaga ko ito yung agahan ko kanina partner ng kape hehe. Ganito ginagawa namin noon sa probinsya…

@ruby0622

Beef Mechado! Mapagpalang araw ng Sabado Noise fam! Maganda ang weather ngayon kaya nakatuyo na sa nilabhan ko kahapon. Dati every Saturday ang laba day ko pero may Bible school mga dalaga ko ng ganitong araw kaya pinaaga ko na ang araw ng paglalaba dahil nag-aassist din ako sa mga bata sa church. Ito pala ulam namin ngayon mapapadami kain ko nito mukhang masarap pagkaluto ko :) Ito pa yung dala ng mga biyenan na karneng baka nakaraang linggo ngayon ko lang naluto.…

@ruby0622

6.6 Sale Budol! Ito na yung pinakahihintay ng asawa ko nabili niya ito nung sale (6.6) medyo malaki na rin discount nanghinayang pa siya kasi yung Air Fryer na binili niya mga nakaraang linggo lang ay nagsale din sayang ang laki pa naman ng discount dapat pala sinabay na niya dito sa timbangan. Pinu-push na talaga ng asawa ko pagda-diet at para ma-monitor kung pumayat na siya kailangan talaga itong timbangan :) Kailangan niyang galingan at magseryoso sa pagpapayat dahil sa…

@ruby0622

Movie Night! Tuwing weekend ito madalas bonding naming pamilya manonood ng movie :) Pinapanood namin ngayon ay "Interceptor" sundalong babae yung bida. Try nyo nalang din panoorin mukhang maganda naman wala pa kami sa kalahati ng palabas. Habang nanonood sarap ng snacks ng mga kiddos nagpabili sila kanina sa daddy nila sa jobee. Ang haba ng tulog ng mga dalaga ko kanina kaya okay lang kahit alas diyes na sila matulog. Kapag hindi kasi sila natutulog ng hapon alas otso pa…

@ruby0622

Sweets Pasalubong ^_^ Kakauwi lang ng asawa ko at ito pasalubong niya sa amin. Mas gusto ko talaga ang doughnut na'to hindi siya ganun katamis kumpara sa iba. Inangkin na kaagad ng mga anak ko tig-dalawa daw sila, kay bunso yung chocolate flavor at strawberry naman ang ate :) Itong asawa kong nagdadiet hihirit pang doughnut din daw siya kahit kalahati tikman niya lang hindi nakatiis haha. Kaya hati kami sa isang donut isa't kalahati yung share ko :) Bumili pa ng chocolates…

@ruby0622

Baby Cactus ^_^ Nakakatuwa lumaki na ang mga cactus na tinanim ko :) Mabuti pa itong halaman na'to hindi maselan nabuhay siya medyo lumaki na rin sobrang liit kasi niyan nung dinala ng kapatid ko galing Mindoro nakaraang December. Ang galing kasi nung kapatid kong yun mag-alaga ng halaman, yun ang business niya sa Mindoro ang dami niyang tanim at binibenta niya madiskarte ang kapatid ko na yun kahit nasa ibang bansa asawa niya kumakayod rin siya ng pagkakakitaan niya :)…

@ruby0622

Early Birthday Gift Mapagpalang gabi Noise fam! Sobrang busy sa araw na'to daming ginagawa deadline na rin kasi lahat ng activities at performance task ng mga chikiting dahil bakasyon na. Ang pinakahihintay ng mga kiddos at ganun din tayong mga momsh hehe pwede na uling late ang gising dahil wala ng online class :) Kaninang hapon nagyaya itong asawa ko na ibili daw ng shoes ang dalawang dalaga namin :) advance gift na sa aming panganay dahil kaarawan niya next week. Syempre…

@ruby0622

Tubigan Resort Ang saya ng mga dalaga ko nakapagswimming uli sila :) Malapit lang sa bahay ang resort na'to isang sakay lang pero ngayon lang nakabalik dito after 4 years yata huling swimming namin dito. Nagyaya kasamahan namin sa church dahil birthday niya kaya napasama nalang din kasi kapag swimming gustong-gusto talaga ng mga chikiting. Maaga Kaming pumunta dito para sulit ang pagligo ng mga bata alas siyete pa lang umalis na kami sa bahay at dito na nag almusal. Kaya…

@ruby0622

Beef Broccoli Mapagpalang araw Noise fam! Nakapaglunch naba ang lahat? Kami katatapos lang ng pananghalian. Ito ang ulam namin ng lunch ganun din hanggang sa dinner :) Itong karneng baka na sahog namin sa gulay dala pa ito nung biyenan ko galing Tagaytay dalawang linggo na yata nakaraan ngayon lang nailuto nakalagay lang sa freezer. Kaya broccoli nalang ang binili at hinaluan nalang din ng carrots :) Para may ibang kulay ng gulay ang nakahalo maging makulay haha. Ang sarap…

@ruby0622

Happy Father's Day sa lahat ng Dakilang Ama! Dahil may work ang mabait kong asawa nagpadeliver nalang ng pizza paborito ng mga kiddos. Mabuti work from home schedule niya ngayong araw kaya kasama parin siya ng mga dalaga namin. Kanina pag-uwi namin galing sa church binati kaagad ang daddy nila sabay abot sa card o letter na ginawa nila sa kids church. Kinuhaan ko rin sila ng litrato para may remembrance this father's day :) Itong suot pala na sombrebo ng daddy nila bigay ng…

@ruby0622

During Swimming! Ito yung nagswimming kami nakaraang Biyernes wala sa plano na sumama dahil medyo short sa budget pero napilit kaya napasama gusto rin kasi ng mga dalaga ko sumama :) Ang ganda rin dito sa pinuntahan namin daming pools ng pambata kaya doon lang din ako naliligo dahil hindi mo naman pwede iwanan kailangan nakabantay Ka sa kanila. Ang sarap sanang magdive sa malalim na tubig haha. Bago kami umuwi picture taking muna sila wala na sa mood kuhaan ng litrato mga…

@ruby0622

Simpleng Selebrasyon Ngayong araw ay kaarawan ng aking unang prinsesa :) Kaya medyo naging abala naghanda lang ng kaunti. Inimbetahan ko lang ibang kasamahan sa church na mga bata at mama nila para mas mag enjoy ang birthday celebrant may mga batang kasama. Naglagay lang din ako ng simpleng dekorasyon para mas maganda sa mga litrato :) Naging masaya naman ang kaarawan ng aking prinsesa. Salamat sa Diyos sa mga pagpapala sa araw na'to at sa araw-araw. Happy and Blessed…

@ruby0622

Nilagang Baka Kahapon nakabisita ang mga biyenan ko galing Tagaytay dahil birthday ng panganay ko at nagpabili ako ng karneng baka balak ko kasing magcalderetang buto-buto. Ang akala ko kasi dito sila maglunch yun sana ulamin namin Kaya lang hindi sila nagtatagal kailangan na nilang bumalik kaagad dahil may delivery daw sila kaya kailangan makabalik agad sa furniture shop nila sa Tagaytay, Silang. Nagpaluto lang biyenan kong babae ng pansit at lumpia kaya yun ang unang…

@ruby0622

Pancake for Snack Nagrequest ang bunso ko na gusto niya ng pancake. Tamang-tama may binili ang daddy nila nung naggrocery at syrup na din para masarap daw ayaw kasi ng honey ang gawing syrup taste weird daw sabi ni bunso ang arte lang hehe. Nagtry kasi ako dati magluto ng pancake tapos nilagyan ko ng honey ayaw ni bunso sa lasa yung ate sabi masarap naman daw :) Naging abala ako dito sa bunso ko hindi Kasi maganda ang pakiramdam, kanina paggising nagsusuka masakit daw tummy…

@ruby0622

Throwback ^_^ Nakakaproud bilang mga magulang makatanggap ng awards mga anak natin mas excited pa tayo kaysa kanila kapag ganito awarding day :) Ito ay nakaraang taon na awards ni bunso hoping ngayong school year may award din siyang matanggap. Ang sabi ng adviser niya weeks ago nung pinapunta sa school kaming mga magulang para magpirma ng card may awarding daw. Natuwa naman ako nung tinanong ko kung kumusta si bunso sa klase nila sabi ng teacher niya nangunguna daw siya,…

@ruby0622

Videocall with my Sister Tumawag ang kapatid kong nasa ibang bansa nagtatrabaho bilang ofw. Nagkakayak daw sila kasama ang pinsan namin at bf niya sabay namingwit na rin sila kanya-kanya silang pwesto. Nakakatuwa tingnan namingwit ang kapatid ko ang bilis niya kasing nakahuli ng isda sunod-sunod, mga snapper huli niya na isda. Baligtad ang oras nila dito sa pinas parehas ng oras dito sa atin pero umaga lang doon ng Linggo dito sa atin gabi. Nag-eenjoy talaga akong manood sa…

@ruby0622

Tinolang Chicken Naghatid ang kapatid ko ng malunggay pinutol niya kasi ang tanim nilang malunggay kaya dinala niya dito sa bahay kaysa itapon ang mahal din kaya ng isang tali nito sampung peso rin tapos kaunti lang. Kaya hinimay ko kanina ang gaganda pa ng malunggay malalaki ang dahon ang tataba kaya hindi mahirap tanggalin sa tangkay. Nakaisang plastic bag rin ang nahimay ko. Kaya bumili ako ng backbone chicken sa meatshop mas mura din kasi ang kilo ng part na yun sa manok…

@ruby0622

Floating Tray with Stainless Steel Frame Nagagandahan talaga ako dito sa floating tray :) Ito ay isa sa mga nagawa na product sa furniture shop ng aking mga in-laws. Ito ay synthetic rattan kaya okay lang mababad sa tubig :) Nilagyan nila ng malaking foam sa ilalim para siya lumutang ang ganda lang tingnan. Siguro kung ganito bahay namin may swimming pool araw-araw magsiswimming mga chikiting ko hahaha hindi magsasawa :) Mabuti pa itong dogie nagsasawa siguro sa pagligo…

@ruby0622

Upcoming Virtual Recognition Gumawa ng bagong GC ang adviser ng aking bunso para sa upcoming Virtual recognition sa mga pupils na may academic excellence award. At isa ang bunso ko sa pinalad na magkaroon ng award. All the glory to God! Dahil hindi na talaga magkasya ang uniform ng ate nung grade one Kay bunso naghanap ako ng mahiraman na uniform kailangan kasi naka school uniform daw. Mabuti nalang nakahiram ako sa kapitbahay Kaya hindi na bumili, medyo masikip pero pwede…

@ruby0622

Ready for Gatsby Party Isang mapagpalang gabi sa Noise fam! Grabe sobrang pagod ko sa araw na'to. Hindi biro maghanap ng costume para sa Gatsby party na gaganapin sa darating na Linggo. Ika-60th birthday daw kasi ng kapatid sa aking biyenan na babae sa Linggo at may surprise Gatsby party ang mga anak. Nakahanap naman ako ng costume namin mag-iina pero grabe ang pagod ko nag iikot sa mga mall ang hirap maghanap ng damit na kumikislap at may feathers ganun kasi ang Gatsby…