Ready for Gatsby Party Isang mapagpalang gabi sa Noise fam! Grabe sobrang pagod ko sa araw na'to. Hindi biro maghanap ng costume para sa Gatsby party na gaganapin sa darating na Linggo. Ika-60th birthday daw kasi ng kapatid sa aking biyenan na babae sa Linggo at may surprise Gatsby party ang mga anak. Nakahanap naman ako ng costume namin mag-iina pero grabe ang pagod ko nag iikot sa mga mall ang hirap maghanap ng damit na kumikislap at may feathers ganun kasi ang Gatsby costume kanina ko nga lang nalaman na ganun pala nagsearch pa ako hahaha. Ang sosyal ng mga dalaga ko may bag pa silang ganito haha ang sabi kasi ng Lola bilhan daw ng bag nagbigay naman siya pandagdag sa mga bibilhin ko :) Itong hawak ko ang nabili kong sandal sa panganay ko, gusto pa nga niya itong gold na may takong talaga. Sabi ko wag yan pangdalaga na talaga yan kasi medyo mataas ang takong medyo malaki na kasi ang paa nitong panganay ko kaya doon na kami namili sa pang adult :) Itong napili ko may takong pero flat lang hindi matulis. Ang mga damit na nabili ko pinaputulan ko pa mahaba kasi bukas daw ng hapon makukuha mabuti mabilis lang makukuha kaagad kinabukasan wala masyadong gawa ang mananahi namin na kapitbahay :)
6 comments
Aba pang mayaman sissy ahahah kaya pala ang galing naman nang napili mo gandang ganda ako sa bag nang dalawang bagets hehe buti at very supportive ang iyong byanan
Oo nga sissy yayamanin lang hehe. Hindi kasi papayag ang biyenan kong babae na hindi sasama mga apo niya sis :) Grabe ang gastos ng costume kaya ayaw kong mag attend din dahil ang gastos.
Okay lang yan sissy kagabi ba kayo nagparty atleast nag enjoy at na expereience nang mga batang makipagsocialize sa mga tao at the same time ang happiness hindi mababayaran
wow ganda nman ng bag hehehe
Sa mga sandals wala ako idea kung alin ang maganda haha.. Lahat naman kasi maganda sa paningin ko haha..
Oo nga kanoise pang girly lang kasi kaya bihira lang talaga makarelate sa mga lalaki :)