Tinolang Chicken Naghatid ang kapatid ko ng malunggay pinutol niya kasi ang tanim nilang malunggay kaya dinala niya dito sa bahay kaysa itapon ang mahal din kaya ng isang tali nito sampung peso rin tapos kaunti lang. Kaya hinimay ko kanina ang gaganda pa ng malunggay malalaki ang dahon ang tataba kaya hindi mahirap tanggalin sa tangkay. Nakaisang plastic bag rin ang nahimay ko. Kaya bumili ako ng backbone chicken sa meatshop mas mura din kasi ang kilo ng part na yun sa manok at masarap gawing tinola malaman na rin naman. Gusto ng mga anak ko tinolang isda sana pero nandito daddy nila work from home today ayaw kasi nun ng isdang tinola kaya tinolang manok nalang. Kaya dinamihan ko na paglagay ng gulay yung ibang malunggay nilagay ko sa ref hindi naman masisira kaagad magandang panghalo rin sa noodles agahan ng mga anak ko bukas o kaya sa scramble egg nilalagyan ko rin minsan ng malunggay para mas masustansya :) Happy lunch Noise fam!
2 comments
Ganyan gusto ko sa malonggay malalaking dahon malonggay dito samin sis parang nasira ang liliit nang mga dahon niya hindi tuloy makapag gulay sana yumabong ulit sila..
Kaya nga sis madali rin alisin sa tangkay kapag malalaking dahon.