Upcoming Virtual Recognition Gumawa ng bagong GC ang adviser ng aking bunso para sa upcoming Virtual recognition sa mga pupils na may academic excellence award. At isa ang bunso ko sa pinalad na magkaroon ng award. All the glory to God! Dahil hindi na talaga magkasya ang uniform ng ate nung grade one Kay bunso naghanap ako ng mahiraman na uniform kailangan kasi naka school uniform daw. Mabuti nalang nakahiram ako sa kapitbahay Kaya hindi na bumili, medyo masikip pero pwede na hindi na masarado ang dalawang butones sa pinakababa ng uniform kaya hindi ko na sinama sa pagkuha ng litrato. Half body lang naman ang kailangan :) At dahil walang white background dito sa bahay bumili nalang akong white cartolina :) Maganda rin naman kinalabasan ng picture. Pero dapat pala nilagyan ko ng kaunting lipstick para hindi siya maputla hindi ko naisip kanina hehe. Kumusta ang weather diyan sa inyo Noise fam?dito umpisa pa kaninang umaga maulan na. Stay safe po ang lahat.
3 comments
Ayun ohh congrats sa bby mo sis good learner din kasi anak mo sis kay sure talaga na may award siya nakaka excited at proud ang ganyan sis Ma effort din naman talaga kayo as parents din
Salamat sissy mas excited pa tayong mga magulang kapag ganito sissy awarding nila. Nakakaproud bilang parents talaga sis may reward ang kanilang pagsisikap :)
Ang cute,,