read.cash Log in
@ruby0622

Throwback ^_^ Nakakaproud bilang mga magulang makatanggap ng awards mga anak natin mas excited pa tayo kaysa kanila kapag ganito awarding day :) Ito ay nakaraang taon na awards ni bunso hoping ngayong school year may award din siyang matanggap. Ang sabi ng adviser niya weeks ago nung pinapunta sa school kaming mga magulang para magpirma ng card may awarding daw. Natuwa naman ako nung tinanong ko kung kumusta si bunso sa klase nila sabi ng teacher niya nangunguna daw siya, nakakaproud lang bilang magulang marinig ang compliment ng guro kahit medyo bata pa si bunso ay kaya niya makipagsabayan sa mga mas nakakatanda sa kanya. Natutuwa rin teacher niya Kasi active siya sa klase kahit online class lang. Sabay kasi ang oras ng online nila ng ate niya kaya minsan hindi ako nakapag assist sa kanya nakapokus ako sa ate niya kasi medyo mahiyain :) Hindi kagaya dito kay bunso malakas ang loob hindi nahihiya hehe. Kumusta buong maghapon nyo Noise fam? Sobrang busy ngayong araw sa mga gawaing bahay. At salamat sa Panginoon mabuti na pakiramdam ni bunso kahapon kasi agahan hanggang hapunan sinusuka lang kinakain niya. Ngayong araw, magana na siya kumain. Thank you Lord sa healing. #LastYearAwards #ProudMom

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.