Nilagang Baka Kahapon nakabisita ang mga biyenan ko galing Tagaytay dahil birthday ng panganay ko at nagpabili ako ng karneng baka balak ko kasing magcalderetang buto-buto. Ang akala ko kasi dito sila maglunch yun sana ulamin namin Kaya lang hindi sila nagtatagal kailangan na nilang bumalik kaagad dahil may delivery daw sila kaya kailangan makabalik agad sa furniture shop nila sa Tagaytay, Silang. Nagpaluto lang biyenan kong babae ng pansit at lumpia kaya yun ang unang niluto ko para pagdating nila luto na ang ni-request na pagkain :) Kaya hindi na natuloy ang caldereta na planong lutuin kahapon nauwi nalang sa nilaga ngayong lunch ulam namin hanggang dinner na rin 'to. Kaya mga gulay nalang na sangkap ang binili ko. Ang sarap talaga ng sabaw kapag karneng baka wag lang lumamig kasi puro sebo na hehe. Kaya masarap ito kainin kapag mainit pa sarap humigop ng sabaw. Happy lunch sa ating lahat. Have a great and blessed day Noise fam!
13 comments
Okay na rin sis atleast nagawan nang paraan kahit hindi na caldereta masarap pa din yang nilagang baka manamis namis ang sabaw
Masarap talaga ang nilagang baka, ka-noise! Lalo na kapag ganiyan kadaming gulay. Sa gulay pa lang busog ka na.
Totoo yan kanoise yun din nagpapasarap lalo sa nilaga maraming gulay mahilig rin kasi ako sa gulay kaya kahit kaunting karne basta maraming gulay ang sarap na.
Sarap ng ulam nyo sis . for sure nabusog talaga
Opo sis busog lusog thank you Lord, minsan lang din makaulam ng ganito :)
wow sarap nman nyan. nag ccrave tuloy ako hehehe
Ganito ang gusto ko po ung meron corn na nakamix sa sabaw mas feel kasi at masarap lalo humigop nang sabaw.. May tira paba ayy este diet nga pala ako hihihi.. Afternoon po^^
Oo nga kanoise mas masarap ganitong nilagang baka may mais manamis tamis siya sarap talaga ang sabaw nito:)
mabuti at nakapunta sila kahit na busy din sila sa shop hehe ang babait nila no? maswerte ka sa byenan mo, sarap talaga ng baka lalo na ganyan madaming gulay hmm sarap kapag mainit ay sarap higupin lalo na ngayon medjo malamig ang panahon.
Ito talaga masarap ulamin sa malamig na panahon sis. Opo sis mapalad mga anak ko sa Lola nila spoiled sila hehe
Masarap talaga ang nilagang baka kahit sabaw at gulay sapat na happy lunch sa inyo
Totoo yan sis sa sabaw pa lang ulam na basta mainit Lang :)
Ang sarap nian friend. Sinigang na bka. Hbd sa anak mo