Videocall with my Sister Tumawag ang kapatid kong nasa ibang bansa nagtatrabaho bilang ofw. Nagkakayak daw sila kasama ang pinsan namin at bf niya sabay namingwit na rin sila kanya-kanya silang pwesto. Nakakatuwa tingnan namingwit ang kapatid ko ang bilis niya kasing nakahuli ng isda sunod-sunod, mga snapper huli niya na isda. Baligtad ang oras nila dito sa pinas parehas ng oras dito sa atin pero umaga lang doon ng Linggo dito sa atin gabi. Nag-eenjoy talaga akong manood sa kanya ang daming huli pati mga anak ko tuwang-tuwa sa tita nila daming nahuhuli na isda. May pang-ulam na sila pagkatapos mag enjoy sa pagkayak. Walang pasok sa trabaho sister ko kapag weekend kaya madalas nasa dagat ang outing nila. Hindi rin siya mabored doon kasi nandun dalawa kong kapatid at mga pinsan. Galing din ako sa lugar nato nagtrabaho tumigil lang nung nagkaanak na mas priority na mga prinsesa ko. Itong kapatid ko nato nag enjoy na masyado sa trabaho niya dito hindi daw niya ipagpalit sa pag-aasawa ang career niya :) Hindi naman kasi pressured ang trabaho dito kumbaga hayahay lang hehe kung hindi lang ako nag-asawa at nagkaanak baka nandun parin ako sa lugar nato :) Itong kapatid ko nato nalang ang walang asawa sa aming magkakapatid kaya gusto namin mag-asawa na sana siya sobrang lagpas na sa kalendaryo kasi ang edad niya para sana makahabol kahit isang baby lang :) Kumusta kayo Noise fam? Happy and Blessed weekend sa ating lahat.
1 comment
wow sarap ng isda hehe