Owen my Girls Pet Isang mapagpalang araw ng Biyernes sa ating lahat. Naging abala ako nitong mga nakaraang araw kaya ngayon lang nakabisita :) Natatawa lang ako dito sa alagang pusa ng mga anak ko pangalan niya si Owen yan pinangalan ni bunso sa kanya :) Pinapabilhan nila ito sa daddy nila ng cat food kaya dito na talaga sa bahay tumatambay. Pero hanggang sa labas lang siya ng bahay ayaw kong papasukin sa loob dahil magkalat ang balahibo pinapasok ko siya saglit lang. At dito sa loob ng bahay may mga bubuwit na feel at home masyado nagtatakbuhan :D Kaya may nilagay kaming mouse trap para mahuli sila at may nabiktima nga kaming bubuwit nilabas ko muna. Itong si Owen nakita niya yung bubuwit sa trap at talagang binuksan niya yun para makuha ang kawawang bubuwit. At nung nakuha na pinaglaruan lang niya hindi naman kinain pinapatakbo tapos hahabulin niya nakita pa ng isang pusa ng kapitbahay namin kaya pinaglaruan nilang dalawa. Hanggang sa tinakbo ng isang pusa ang bubuwit hindi naman sumunod itong alagang pusa ng mga anak ko. Tuwang-tuwa naman mga anak pinapanood ang alaga nila kinuhaan pa nila ng litrato kagat-kagat si kawawang bubuwit :) Kumusta kayo Noise fam?Kumusta ang weather diyan sa inyo dito tuwing umaga ang tindi ng sikat ng araw at pagdating hapon umuulan o makulimlim. Kaya po tayong lahat :)
5 comments
Kapag may alagang Pusa sa bahay walang ligtas iyong mga daga na makakapasok sa bahay niyo. Mukhang maliksi pa namàn ang Pusa niyo. Good evening, ka-noise!
Hala sa amin sissy ang daming Ganyan mas may malaki pa nga jan ei wala kasi kami pusa peru nakakatuwa so owen kung pusang gala pa yan siguro kinain na yan
Dito sis karamihan ganito lang maliliit nakikita Kong nagtatakbuhan dito sa loob ng bahay. Ang arte nga nito sis ayaw din kainin ang bubuwit baka naawa rin siya hehe.
Mabuti na din yan na may alagang pusa. Para may papatay ng daga. Mula nung dun na samin tumira yung mga stray cat di na kami dinadaga.
Kaya sis malaking tulong naman talaga ang mga pusa para mawala mga bubuwit :)