read.cash Log in
@ruby0622

Avocado with Milk Naghatid ang kapatid ko ng blessings ang daming avocado na binigay. Marami daw kasi sa likod bahay nila kaya naambunan ako :) Ang ganda rin ng laman niya masarap papakin pero siyempre mas masarap kung may gatas hehe. Kaya nilagyan ko ng condensed milk para mas enjoy siya kainin. Kaming mag-asawa lang kumain ayaw ng dalawang dalaga namin ang arte lang :) Hindi kasi nila kilala ngayon lang din ako gumawa ng ganito. Kapag sa pagkain o ulam din ganyan sila ayaw kainin kapag hindi kilala :) Marami rin ang nagawa ko halos puno rin yung lagayan ng ice cream. May isang hilaw na avocado papakin ko nalang ito kapag nahinog. Kumusta kayo Noise fam? Hope you enjoy your weekend. Stay safe and God Bless!

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.