Nuggets for Lunch Isang mapagpalang araw Noise fam! Nakapananghalian naba kayo.? Wala akong maisip na ulam namin ngayon kaya nagluto nalang ako ng nuggets para sa mga chikiting ko. Nakabili ako ng ginataang puso ng saging yun na ulamin ko. Dahil night shift si mister mamayang hapunan pa ito kakain naghihilik pa ngayon hehe. Mabuti nalang work from home lang schedule niya hirap din magnight shift papasok sa workplace wala na masyadong masakyan. Dito ko na niluto sa air fryer less effort at nakakatipid din sa gasul dito ko na niluluto ang ibang uulamin namin wala ka pang mantika na gagamitin :) Makulimlim uli ang panahon parang uulan ngayon. Kumusta ang weather diyan sa inyo?Mag-iingat po ang lahat.
7 comments
Ang mga bata mahilig sa mga nuggets, pero tayo mas gusto natin iyan, ginataang puso. Good afternoon, ka-noise!
Oo nga kanoise mas gusto natin ang gulay pero itong asawa ko ayaw din nitong ginataang puso maarte din hehe
Talagang merong ganoon, hindi mahilig sa gulay.. Good morning, ka-noise!
Magkani ang ganyn sissy na air fryr parang bet kona talaga bumili nang ganyan pwee ba yan sa lahat nang ulam ahahah Sa amin sissy panay ang ulan kaya hindi agaf matutuyo mga sinampay
Mahigit 1300 din sis ang air fryer na yan pero nung sale 6.6 nasa 800 nalang mahigit sayang nga nakabili na kami :) Dito rin sis paambon ambon ngayon balak ko din Sana maglaba katamad lang hindi maganda ang panahon.
Next time pwede mo ito gawin homemade pag walang maisip hehe. Ground chicken lang. Ginawa ko yan. Tapos nag glaze ako ng barbecue hihi.
Oo nga sis..salamat sa ideya sissy :)