Sinigang sa Bangus Nakapaglunch naba ang lahat? Katatapos ko lang magluto sa aming simpleng ulam na sinabawang maasim na bangus :) Pumunta pa akong Tagaytay market may kalayuan din dito sa furniture shop ng mga biyenan ko isang daan pamasahe sa tricycle balikan wala kasing dumaan na mobile palengke. Ang mamahal na talaga ng bilihin mahigit dalawang daan na kaagad isang bangus na malaki. Ito naisipan na ulamin dahil mabilis lang lutuin kaysa karne alanganin na kasi sa oras pumuntang palengke gusto rin ng mga dalaga ko sinigang ang ulam mahirap nga lang maghimay matinik ang bangus :) Kumusta ang lahat anong ulam natin Noise fam hirap na talaga magbadget ngayon sa pang-araw araw na ulam ang tataas ng mga bilihin. Sa ngayon nandito pa kami sa mga biyenan ko wala akong problema sa badget ng uulamin hehe nagpaampon muna kami ng mga anak ko :) Sa Miyerkules pa uwi namin sa Dasma dahil kuhaan din ng card ng mga bata sa Huwebes. Happy lunch and have a blessed day to all!
6 comments
Masarap talaga ang sinigang na Bangus, ka-noise! Lalo na ang parteng tiyan. Good evening!
Oo nga kanoise yun lang na parte sa bangus ang gusto ko wala rin tinik :)
Nakakatakam naman yan sissy dito sa probinsiya hindi mahilig mga tao dito mag sigang pansin ko lang dati sa maynila ito lagi ulam namin nang auntie ko
Oo nga sissy ganyan din sa probinsya namin tinola lang alam kapag sinabawan na isda hindi uso ang sinigang hehe
PasensyA na babae nalang ang mura ngayon konting bola lang bigay na ahaha happy lunch sis sawap ang sinigang favorite ni bulilit yarn
Hahaha natawa ako sa pasensyA na babae nalang mura ngayon sissy :) masarap na naman itong sinigang sa bangus ang hirap nga lang maghimay sa tinik hehe