read.cash Log in
@ruby0622

Household Chores Ito ang aking bunso tinuturuan kong gumawa ng mga gawaing bahay. Dahil bakasyon na at walang pasok dapat matuto na kahit sa simpleng paghugas ng mga pinggan. At nag enjoy naman siya sa kanyang ginagawa habang naghuhugas siya binabantayan ko naman kung maayos ba pagkahugas :) Kahit naka apron na basa parin ang sando niya hehe. Hinahayaan ko nalang basta matuto lang. Palitan sila ng ate niya sa paghuhugas kada araw tuwing tanghali ang schedule nila, ako naman sa gabi :) Kaya lang ang gastos ng tubig kapag sila naghuhugas haha. Tinuturuan ko ngang wag itodo ang bukas ng gripo nahirapan pa si bunso magkontrol kaya basa rin ang damit pagkatapos maghugas :) Kumusta kayo Noise fam? Katatapos ko lang namalantsa ng mga damit ni mister at kaninang umaga naglaba rin kusot-kusot lang mga kurtina at sapin sa upuan sinipag ako ngayong araw haha. Mapagpalang araw sa ating lahat. Stay safe and God Bless!

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.