read.cash Log in
@ruby0622

Nakapamasyal kami sa Lola Grande ng mga anak ko, nanay ng biyenan kong babae medyo malapit lang din ang bahay nila sa furniture shop ng mga biyenan ko sa Tagaytay Silang malalakad lang. Dahil uuwi na kami dito sa bahay kaya binisita namin ang Lola :) Pagpunta namin nandun din pinsan nila yung nakatalikod na nakapink, baby pa ito huli nilang kita. Bumisita lang din kay Lola. Kaya natuwa pinsan nila may kausap at kalaro na siya. Kaya nalungkot nung umuwi na ang mga ate. Magkakasundo kasi sila mga inglesera haha mga anak ko kakapanood yata ng YT kaya naging inglesera kinakausap ko Tagalog o bisaya sagutin naman akong ingles haha dati kasi taglish sila ngayon naging foreigner na talaga :) Kaya napagkamalan akong yaya ng mga anak ko minsan tanong ba naman sa akin nasa ibang bansa ba daw mga magulang nila haha sinakyan ko nalang ang tanong sabi ko nalang, opo nasa ibang bansa hahaha. Kaya tuwang-tuwa mga tita Lola (mga kapatid ng biyenan kong babae) at Lola Grande sa kanilang tatlo nag-uusap may mga accent pa kasi ang ingles nila akala mo daw mga British haha. Nakauwi na pala kami dito sa bahay. Thank you Lord sa ligtas na biyahe nakarating kami ng payapa. Hinatid kami ng mga biyenan ko dito sa bahay at bumalik lang kaagad sila sa Tagaytay dahil busy sila may customer daw silang kausap na pupunta sa furniture shop. Blessed evening Noise fam! Kumusta ang lahat? Stay safe.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.