Blessed Sunday! Nakakatuwa ang akala ko hindi mapasama sa makakakuha ng award ang panganay ko kasi walang update ang adviser niya. Sa kay bunso kasi last week lang ang announcement ng may award na estudyante parehas lang sila ng paaralan na pinasukan kaya akala ko talaga hindi siya kabilang sa may mga award. Kaya nalungkot din siya kasi si bunso meron at siya wala daw :) Kaya tuwang-tuwa nung nalaman na mayroon din pala siyang award kahit online class lang sila nakatanggap parin ng award. Sobrang saya sa pakiramdam lalo na tayong mga magulang na makatanggap ng award mga anak natin sulit ang effort din nila sa pag-aaral at ganun din tayong mga magulang sulit ang effort sa pagtuturo at paggabay sa kanila lalo na ngayong pandemya :) Congrats sa ating lahat mga magulang na naging full time teacher sa ating mga anak ngayon pandemic. Tayo rin naman talaga first teacher ng mga anak natin ang karangalan ng mga anak ay karangalan din natin :) Mapagpalang Linggo Noise fam! Enjoy your weekend with your family or friends. Stay safe and God Bless us all!
6 comments
Congrats sa two daughters mo ka-noise at sa inyong mag-asawa! Talagang blessed ka pati sa mga anak mo. Masarap magpaaral ng mga anak lalo na kapag ganiyan na interested sila at matalino.
Sarap sa pakiramdam kanoise makatanggap Ng karangalan mga anak natin. Salamat kanoise :) Blessed evening sayo!
Napaka fulfillment sa parents ang ganitong award na natanggap sa mga anak sissy,congrats sa anak mo sis at sa inyo na ring mag asawa
Oo nga sissy nakakaproud bilang magulang ang karangalan ng mga anak natin :) Salamat sissy!
Congrats sis sa mga junakis mo at sayo bilang isang ina godbless good evening
Salamat sissy. Blessed Monday sayo!