read.cash Log in
@ruby0622

Throwback Friday! Mapagpalang gabi Noise fam! Pasensya na kayo naging abala lang kahapon at ngayong araw kaya ngayon lang nakabisita sa inyo. Naglinis kasi ng bahay kahapon dahil day off ni mister para may katulong akong maglinis dami kasing nakatambak na bagay na hindi naman ginagamit. Kailangan ng itapon o ipamigay kaya medyo lumuwag na after namin maalis ang mga nakatambak. Kaya maaga natulog kagabi medyo napagod at ngayong araw laba dami naman mabuti nalang umaraw nitong hapon medyo nakatuyo rin :) Nakaisang taon na pala itong grocery ko gamit lyka gems sa lyka mall. Sana bumalik na nakakamiss rin magshopping tapos free delivery hatid na pintuan mo hehe. Nakatatlong beses lang akong nakapaggrocery hindi na naulit nakakamiss lang :) Ang ganda ng mga ngiti ng mga dalaga ko dito paggising nila marami na silang meryenda halos snacks lang nila yan nag-istock kasi akong meryenda nila para hindi pabili-bili sa tindahan. Kaya tuwang-tuwa dami silang snacks :) Kumusta kayong lahat? Stay safe and God Bless! #AYearAgo #LykaMallGroceries

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.