Tinolang Manok may Tanglad Nakapananghalian naba ang lahat kami katatapos lang din :) Ito naisipan kong ulam na lutuin ngayon para makahigop ng chicken soup si mister. Nilagnat kasi kahapon mabuti nalang nung ininuman ng paracetamol medyo bumuti ang pakiramdam pero may sinat parin at walang gana kumain kahapon biscuit lang kinakain at tinapay. Mabuti nalang dito lang sa bahay schedule niya sa work kahapon kaya nakapagtrabaho parin kapag hindi busy nakakahiga siya kaya maganda rin talaga work from home tipid pamasahe at baon nakakarelax pa kapag hindi busy :) Ngayon magaling na si mister salamat sa Diyos sa healing, kaya nagluto ako nitong tinolang manok para makahigop siya ng sabaw at marami rin malunggay na stock sa ref yung dinala ng kapatid ko baka masira kaya kailangan ng mailuto. Nilagyan ko na rin ng tanglad medyo lumago na ang tanim ko at dinamihan ko rin ng luya. Happy lunch Noise fam! Stay safe and have a blessed day to all.
4 comments
Tamang-tama para sa mister mo iyan ka-noise, para mabawi niya agad ang lakas ng katawan. Mas masarap nga ang tinola kapag may tanglad, walang lansa ang manok kapag meron niyan.
Oo nga kanoise tamang-tama itong chicken soup sa kay mister. Kaya nagtanim akong tanglad kanoise masarap din kasi ito sa tinolang isda pampabango :) Gandang hapon kanoise!
Buti di naman nagtagal yung lagnat. Buti din work from home. Mas convenient talaga yun kasi nakaka save ng time at pamasahe. Namimiss ko na din yang tinola. Di ako makaluto kasi wala mabilhan ng malunggay dito.
Oo nga sis salamat sa Diyos gumaling na kaagad. Mas convenient talaga kapag work from home lang less budget at effort. Dito naman sis sagana sa malunggay ang palengke daming nagtitinda :)